Dice Game - PART XX

54 3 0
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Twenty:

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 02:02AM

Kumpletong nakapasok ang lahat sa kani-kaniyang cubicle. Nagsimula na ring ihulog ang tatlong dice sa tatlong cubicle at magbilang ng sampung segundo ang timer. Nahulog ang mga ito sa cubicle nina Joanna, Jerry at Julian. Pinulot nila ang mga dice. Gaya ng iba ay nagdadalawang isip din sila kung iro-roll ba nila ang dice o hindi, ngunit dahil sa takot na baka mangyari sa kanila ang nangyari kay Kyla ay agad din nilang binitawan ang dice bago pa man matapos ang sampung segundo.

Malalim ang hinga ng lahat, kabado dahil alam nila na ilang saglit pa ay isa na naman ang mababawas sa kanila at wala silang magagawa para iligtas ang buhay na mawawala.

Sumapit na ang sampung segundo. Kasabay noon ay ang paglaho ng puting usok sa paligid. Muli nilang nakita at narinig ang isa't isa.

HIKO: Sinong mga nag-roll ng dice?

JULIAN: Ako!

JOANNA: Ako din!

JERRY: Ako din!

Magkakasunod na tugon ng tatlo.

MARICAR: Anong numero yung mga lumabas?

JOANNA: Five yung sakin.

JULIAN: Six naman yung sakin.

Sagot ng dalawa. Ang numero na lamang ni Jerry ang kailangan nila upang malaman kung sino ang susunod na mamamatay.

ALFIE: Jerry, anong numero yung lumabas sa numero mo?

Tanong nito. Nakatingin ang lahat sa cubicle ni Jerry at nakita nila ang takot sa mukha nito.

JERRY: A-ako na ang susunod.

Bulong nya sa sarili. Nagtaka naman ang iba dahilsa kinilos nya na para syang paranoid sa sarili niyang cubicle, hanggang sa naunawaan nila ang lahat.

CANDICE: Oh my god, wag mong sabihing—

Nagsimula ng magpanic si Jerry sa cubicle niya.

JERRY: Guys!! Palabasin nyo ko ditooo!! Tulungan nyo kooo!!

Pagmamakaawa niya. Pagkagulat ang naramdaman ng lahat na mabilis na mawawala sa laro si Jerry at alam nilang hindi na naman nila ito matutulungan.

JERRY: Guys!! Tulooong!! Palabasin nyo ko ditooo!!

Patuloy na pagmamakaawa ni Jerry. Hindi kayang marinig ng ilan ang pagmamakaawa ng kaibigan nilang alam nilang wala silang magagawa. Lalo lamang tumitindi ang konsensyang nadarama nila.

Maya-maya pa ay isang likido ang bumuhos sa cubicle at sa buong katawan ni Jerry na kasing rami lamang ng isang balde. Kitang kita iyon ng lahat, nagtataka sila kung ano ang likidong iyon dahil parang ordinaryong tubig lamang ito, ngunit alam din nila na kung anoman ang likidong ay yun ang tiyak na tatapos sa buhay ni Jerry. Habang nagtataka ang lahat ay lalo namang lumakas ang takot at kabang nadarama ni Jerry dahil sya mismo ang nakakaalam kung ano ang kahahantungan niya.

JERRY: Guys!! Ilabas nyo ko ditooo!! Pleassse!!

Sigaw niya ngunit wala ng gustong lumingon pa sa cubicle nya, natatakot na makita ang paraan ng pagpapahirap sa kanya.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon