Dice Game - PART XXI

62 3 0
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Twenty-One:

JULY 16, 2013.
TUESDAY 02:15PM

Abalang-abala sina Alfie at Nico na gumagawa ng assignment ng biglang na lamang inilapag ni Joanna ng pabagsak sa mesa ang phone nya at phone ni Nico na ikinabigla ng dalawa. Napalingon ang dalawa at nakitang nakatingin ng masama si Joanna kay Nico.

ALFIE: Joanna, bakit?

JOANNA: Anong ibig sabihin nyan?!

Galit na tono ni Joanna, habang ang dalawa ay nagtataka.

JOANNA: Akala ko ba pinsan mo yan, bakit pati number ko alam nya. Tapos nung binasa ko yung mga message na nareceive mo, alam din nya na nasa work park tayo ngayon. Kung pinsan mo yan bakit kilala kaming dalawa ni Alfie? Walang ka namang ibang pinsan na nag-aaral din dito sa EUP a.

Mga tanong na isinambibig ni Joanna kay Nico. Napalunok na lamang ng laway si Nico dahil sa kaba habang si Alfie ay nagtataka pa rin kung ano ang sinasabi ni Alfie. Kinuha nya ang phone ng dalawa at binasa ang mga text messages.

On Nico's Phone
(09267342098... 2:10PM)

Feeling Hero?

(... 2:10PM)

How was your trip in Baguio?

(... 2:11PM)

Kasama mo pala ngayon sina Alfie Arceno at Joanna Pascual sa Work Park.

(... 2:12PM)

Kamusta naman ang normal na buhay? Ganun na lang ba talaga kadaling kalimutan yun?

On Joanna's Phone
( 09267342098... 2:14PM)

Malakas ba talaga akong mantrip Joanna? Mas malakas pa sa mga trip nyo nung nagpunta kayo sa Baguio?

Nanindig ang mga balahibo ni Alfie ng basahin nya ang mga mensahe at kagaya ni Joanna ay nagsimula na syang luminga-linga sa paligid dahil parang kasama lamang din nila ang nagtext ng mga mensahe. Tinignan ni Alfie ang reaksyon ng dalawa, si Joanna na nagagalit na may kahalong takot habang si Nico naman ay hindi malaman ang gagawin. Maya maya pa ay sinenyasan ni Alfie si Nico sa pamamagitan ng pagsiko rito ngunit napansin rin iyon ni Joanna dahilan upang lalo itong maghinala.

JOANNA: Ano yun?! Bakit kayo nagsisikuhan? May tinatago ba kayo sakin?

Tanong nya at nagkatinginan ang dalawa.

ALFIE: Sabihin mo na Nico.

Sambit niya ngunit nagdadalawang isip pa rin si Nico kung sasabihin nya ang totoo.

JOANNA: Ano ba kasi yun?!! Sabihin nyo na, May alam ba kayo dyan sa mga text messages na yan!

Malakas nyang bulyaw sa dalawa dahilan upang ang ibang estudyante ay mapalingon sa mesa nilang tatlo.

Wala ng ibang maisip na paraan si Nico kung paano pa ito malulusutan. Lumunok muna sya nglaway sabay huminga ng malalim at nakipagtitigan kay Joanna.

NICO: Ok, sasabihin namin sayo, pero please! Wag mong ipagsasabi 'to kahit kanino.

Pakiusap nito, sumang-ayon si Joanna ngunit di pa rin nawawala ang simangot sa mukha nito. Muling huminga ng malalimsi Nico at inilapit ng bahagya ang mukha senyales na pabulong nya lamang itong ikukuwento.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon