Dice Game - PART XVII

79 3 0
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Seventeen:

JUNE 28, 2013.
FRIDAY 06:15PM

Nakarating din sila sa bahay nila Marco at namangha sila dahil sa laki ng bahay nito. Sa kanilang pagpasok isang babaeng may edad kwarenta ang nakangiting sumalubong sa kanila.

MANANG: Uy! Sir Marco nandyan na po pala kayo.

Bati sa kanila nito.

MARCO: Manang Tessie, kumusta po? Si lola, nakakain na po ba?

MANANG: Opo sir.

Bigkas nito. Pumasok silang lahat sa loob ng bahay at lalo silang namangha sa laki at ganda nito. Ang lalo pang bumungad sa kanila ay napakalaking wedding picture na nakasabit sa pader nila Marco. Namangha si Joanna dahil sa laki na halos kasing taas lamang nila. Lumingon sya kay may Marco upang purihin ito.

JOANNA: Wow! Ang ganda! Parents mo?

ALFIE: Hinde! Katulong nila!

Sagot ni Alfie sa kanya dahilan upang matawa ang lahat.

ALFIE: Malamang parents nila.

JOANNA: Weh, ikaw ba tinatanong ko? Paano kung di nila parents yan, paano kung ate nya yan na kinasal, oh ano!

Depensa ni Joanna. Tawa lamang ng tawa ang iba nilang mga classmate dahil sa bangayan na ginagawa nila.
RANDY: Ang laki pala ng bahay nyo Marco nuh.

Bati ni Randy, nahiya na lamang si Marco sa mga papuring sinasabi nila.

JUSTIN: Oo nga, tapos sabi mo baka di tayo magkasya. Hindi pa ba tayo kasya dito.

Sumang-ayon naman ang lahat sa mga sinabi ni Justin.

MARCO: Ang ibig kong sabihin baka hindi kayo magkasya sa guest room. Tatlo lang kasi ang guest room namin dito e.

NICO: Sus! Ayos lang yun, edi bukod na lang yung kwarto ng boys at girls tapos akin yung isang kwarto.

RANDY: Oo kasi yung isang kwarto, dun yung mga neutral genders e.

Pambabara ni Randy kay Nico at muling nagsitawanan ang lahat.

MARCO: Pero guys, minimize your voice, kasi nasa taas yung lola ko.

Sumang-ayon ang lahat. Inilagay nila ang kanilang mga bag sa mga guest room na nasa unang palapag din ng tahanan nila. Matapos nun ang ilang mga kalalakihan ay nagsimula ng lumabas at haluin ang mga semento. Samantala, ang mga kababaihan naman ang naghanda ng kakainin nila para sa hapunan at kasama nila roon si Marco na umaalalay sa kanila.

KYLA: Marco, nasan yung strainer nyo?

MARCO: Paki-check na lang sa cupboard.

Bigkas nya habang abalang naghihiwa ng mga gulay sa mesa.

KARLENE: Nasan na ba yung katulong nyo? Sana tumutulong sya dito di ba!

Mataray na bigkas ni Karlene na ikinabigla ng lahat. Si Karlene Ambrocio ang pinakamataray sa kanila, prangka at deretsahan kung magsalita, spoiled dahil unica hija ng pamilya nila. Kahit na medyo marami ang naiinis sa kanya dahil sa mga pananalita nya ay tinuturing pa rin syang tropa nina Jerry, masmadalas nga lang syang sumasama sa kanyang nobyong si Gary.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon