Dice Game - PART XXII

49 3 0
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Twenty-Two:

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 02:19AM

Nabigla ang lahat dahil agad na dinepensahan nina Joanna at Alfie si Nico.

ALFIE: Hindi naman talaga si Nico ang may gawa nun at hindi nyo alam ang sakripisyong ginawa nya para lang maging normal yung buhay nyo.

Sumbat ni Alfie, natahimik ang lahat sa mga sinabi nya at saka ipinaliwanag ng tatlo ang lihim na tinatago nila at habang kinukwento nila ito ay nanlalaki ang mga mata ng lahat dahil sa gulat at takot.

JESSICA: S-so, kung hindi si Kuya ang may gawa nung text na yun, S-sino??

JOANNA: Hindi rin namin alam, napag-isipan na rin namin yang tatlo kanina na baka yung taong nagpapadala ng text messages ay ang Game Maker, pero hindi kami sigurado.

JULIAN: How can you not be so sure?! Halata namang connected lahat e. Yung nagpadala ng messages na yun ay ang Game Maker.

CANDICE: Even so, we still don't know who the guy is.

JUSTIN: But we might have a clue, now that we know that the Game Maker is really one of us.

Agad na napatingin ang lahat sa kanya at nagtaka lalong-lalo na ang mga babae.

MARICAR: Anong ibig mong sabihin?

JUSTIN: Well, hawak ni Randy ang sagot.

Bigkas nito. Nalipat naman ang atensyon kay Randy at pinagmasdan nila ito habang may kinukuha sa kanyang bulsa. Ang ballpen.

Nanlaki ang mga mata ng mga kakabihan.

MARICAR: You mean-

Reaksyon ni Maricar habang nakatakip ang kamay sa kanyang bibig.

RANDY: Yes... Ito nga yung ballpen na tinapon namin ni Kathleen sa ROTC field noon, isa lang ang ibig sabihin nito. Minamanmanan na tayo ng Game Maker magmula nung pasukan.

JESSICA: So, He's really one of us?

Tumango na lamang ang mga kalalakihan bilang pagtugon. Nakita nilang nakaramdam ng panghihina si Jessica ng malaman nya ang sagot kaya't agad syang inalalayan ni Justin na nasa likuran nya. Maya maya pa ay tuluyan ng napaiyak si Jessica.

JESSICA: I-I can't believe this, b-but how? How can one of us do this?

Walang umimik sa kanila, tahimik ang lahat dahil sa kanilang natuklasan. Ang kaninang pinagtatalunan nila ay nabigyang linaw. Isang nakakalungkot na katotohanan. Mahabang katahimikan ang nangyari at tinginan sa isa't isa ang naganap.

ALFIE: Talagang nakakagulat Jessica na isa sa atin ang Game Maker pero isa lang ang sigurado ko, hindi yun si Nico.

HIKO: Wait, suspek pa rin si Nico.

Pagmamatigas ni Hiko.

HIKO: What if sa simula pa lang pinlano na nya 'to para sa araw na 'to hindi sya ang paghinalaan.

Hinuha ni Hiko. Napatitig ng maigi si Nico at nagtataka kung bakit sya idinidiin ni Hiko.

NICO: Hindi ko naman inaalis ang sarili ko sa pagiging suspect. Lahat naman tayo dito suspect, tsaka wala na akong pakialam sa iisipin nyo dahil sa mga nangyayari sa'tin ngayon, nawawalan na rin ako ng tiwala sa kahit kanino sa inyo, wala na akong pwedeng pagkatiwalaan, kundi sarili ko lang.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon