The Thirteen Main Characters

324 8 2
                                    

ARCENO, ALFIE - Ang pinakamatangkad sa buong section nila. Isa sa mga heart throb ng campus. Last year, nanalo sya ng 3rd runner -up sa Mr and Ms EUP. Best friend nya si Nico Mendoza at close silang dalawa. Nagkakasundo sila sa lahat ng bagay.

BAUTISTA, HIKO - Ang bestfriend ni Julian. Seryoso,Malihim at madalas na uma absent mula ng nagsimula ang 2nd year. Matalino at maaasahan sa mga seryosong usapan.

COMPARATIVO, CANDICE - Ang pinakaseryosong babae sa kanilang tropa. Matalino at mainitin ang ulo, lalong lalo na kay Nico. Siguro dahil si Nico lang din ang malakas mang asar sa kanya o di naman kaya'y may iba pang dahilan. Mahilig din sya sa mga Facts, Trivias at Mythology lalong lalo na ang Greek.

CASTILLO, JUSTIN - Isang moodswinger kagaya ni Maricar at Jerry. Kung si Jerry ang magaling sa academics, si Justin naman ang magaling sa actual work. mas marami ang actual work ng Civil engineering lalong lalo na sa Major subjects. Si Justin ay isa mga tinuturing na matalino at nirerespeto.

CATUBAO, JERRY - Ang pinakamatalino sa buong klase, lalo na sa math at science. Dahil sya ang pinakamatalino, lahat ng opinyon nya ay pinaniniwalaan at sinusunod ng lahat. Moody at may kayabangan, sya yung tipo ng tao na hindi mo dapat kinakaaway.

CALIPUSAN, JULIAN - Isang malihim at palabang tao. maliit na lalaki ngunit matalino at mahusay sa civil engineering. Mabilis syang maka-pick up ng bagay bagay, malalim din sya kung mag-isip

DE CASTRO, MARICAR - Ang may pinakamahinhin at malambing na boses. Ngunit sa kabila ng mahinhin at malambing nyang boses ay sya rin ang tinuturing na pinakamooding babae sa seksyon nila. Isa syang matapang na babae at matalino.

MENDOZA, NICO - Ang tinuturing na Logic Master. Sya ang nag-iisip ng mga laro sa tuwing vacant time upang hindi maging bored ang lahat. Matalino sya at nirerespeto dahil sa pasensyoso nyang ugali, sya rin ang pinakamagaling sa pagguhit sa buong seksyon.

NAIPA, KATHLEEN - Isang maganda at mahinhing babae sa klase. Nobyo nya si Randy at sya ang pinakamaunawain at mayroon ding malambing na boses na kagaya ng kay Maricar. Mayroon silang sikretong inilihim ni Randy matapos ang bakasyon nila sa Baguio.

ORTILLANO, RANDY - Ang nobyo ni Kathleen at ang pinakamaloko sa tropa nina Jerry. Dati syang myembro ng grupo sa kanilang seksyon na binansagang Seven Deadly Sins na kinabibilangan din nina Ian. Protective sya pagdating kay Kathleen, lahat gagawin nya para sa babaing mahal nya. Ngunit ang hindi alam ni Randy ay may nililihim din si Kathleen sa kanya.

PASCUAL, JOANNA - Ang pinakamasayahing babae sa buong tropa. May katakawan sa pagkain katulad ni Jessica. Pero sa kabila ng kanyang pagiging masayahin ay meron syang nililihim na ayaw nyang mabunyag.

VILLANUEVA, JESSICA - Isang masayahing babae. Mahilig sya sa pagkanta at mahilig sa gala. Sya ang bestfriend ni Maricar at ang palaging nasasabihan ng sikreto nito. Ang dating maingay nyang boses ay naging tahimik magmula ng pumasok ang 2nd year.

VISTAL, KYLA - Siya naman ang pinakamahiyain at may mahinang loob sa tropa. Agad syang nagpapanic kapag nagkaroon na ng problema, lalong lalo na nung nagpunta sila sa Baguio noong bakasyon.

NOTE: Lesser characters will be introduced in the story.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon