Dice Game - PART I

338 8 0
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter One:

JANUARY 09, 2014
FRIDAY 07:24AM

Naglalakad patungong terminal ng tricycle si Julian Calipusan papunta sa kanilang school. Habang naglalakad ay naalala nya pa ang pag-aaway nila ng kanyang ama bago sya pumasok ngayon. Dahil ang gusto ng kanyang ama ay ihatid sya sa kotse patungong eskwelahan. Ngunit ayaw nyang makasabay o makita man lamang ng mga classmate nya ang lalaking naging dahilan ng pag-alis ng kanyang ina. Sa madaling salita, hindi sya proud sa kanyang ama na wala nang ibang ginawa kundi puro trabaho. Sumakay sya sa isang tricycle. Ilang beses na akong nag request ng kotse, di nya naman binibigay. Bigkas nya sa kanyang sarili. Habang papasakay.

Nagsimula ng bumyahe ng mabilis ang tricycle. Sa sobrang bilis ay napakalamig na ng hangin, samahan mo pa ng maraming puno sa paligid at hamog ng umaga. Kasing lamig ng gabing nagpunta sila sa Baguio upang magbakasyon. Ayaw nya ng ganitong pakiramdam, dahil sa tuwing malakas ang hawi ng hangin ay lalo nyang naaalala ang mga nangyari noong bakasyon. Isang pangyayaring hindi nila inaasahang labing tatlo. Dahil doon ay naisipan nilang itago at gawin itong sikreto.

Dumaan sa isang humps ang tricycle, dahilan upang umalog ang kanyang utak at magising sya sa katotohanan. Narito na sya sa kanyang school. Ang Engineering University of the Philippines (EUP). Liblib ang lokasyon ng EUP, maraming talahib at damo kaya't kinakailangan mo pang sumakay ng tricycle. Isa sa mga prestihiyosong engineering school sa pilipinas ang EUP. Si Julian ay isang second year level sa kursong BS in Civil Engineering. Kalagitnaan na ng second semester.

Bumaba sya ng tricycle at binayaran ang driver, pagkatapos nun ay pumasok na sya sa loob ng school. Malaki at maluwag ang kanilang university. Maraming engineering course at buildings. Marami ring benches at mga puno dahilan upang magmistulang park ang ibang bahagi ng school. Bawat kurso ay may pagmamayaring apat na benches at dalawang benches ang nasakop ng section nila sa pagkakataong ito. Alas otso ang simula ng kanilang klase kaya lahat ng classmate nya ay nandito pa nakatambay at.... nagkukumpulan?

Nakita ni Julian ang mga ito na yukong-yuko at mukhang abalang-abala sa kanilang mga ginagawa sa mesa. Lumapit sya at nakitang nakakalat ang mga papel sa isang mahabang mesa. Gumagawa sila ng assignment sa kanilang first subject na Engineering Mechanics. Ang iba ay gumagawa ng sarilinan ang iba naman ay nangongopya na lamang. Ang sakit nga naman ng mga estudyante.

JULIAN: Busing-busy aa.

Bigkas nya sa tabi ni Killian Ramos, isa rin sa kanyang mga katropa ngunit hindi ito nakasama noong nagpunta sila ng Baguio noong bakasyon. Si Killian ay isa mga pinakabatang estudyante sa kanilang seksyon. Halos lahat ng sports ay alam nya at myembro din sya ng Theater Arts Club (Dance forte) sa kanilang university.

KILLIAN: Oo nga e. Bakit ikaw, tapos ka na ba sa assignment mo?

JULIAN: Oo.

KILLIAN: Pakopya naman.

JULIAN: Kaso hindi ako sigurado sa mga sagot ko e. Papa-check ko muna kay Jerry kung tama. Nasan nga pala si Jerry?

KILLIAN: Hindi ko alam e. Kararating ko lang din kasi e.

ROLAND: Nasa canteen!!

Bigkas ni Roland, hindi alam ni Julian na nakikinig pala si Roland sa kanilang usapan. Si Roland Miranda ang presidente ng kanilang klase. Maingay ang bunganga, madalas na maririnig mong nagmumura. Palabiro ngunit maasahang presidente. Hindi lang sya presidente ng kanilang klase. Sya din ang kasalukuyang presidente ng organisasyon ng kanilang course. Ang Association of Civil Engineering Students o ACES. Sikat din sya sa university dahil sa good looks nito, hilig nya ang paglalaro ng volleyball.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon