Dice Game -PART XII

124 5 5
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Twelve:

JANUARY 10, 2014.

SATURDAY 01:01AM

Inihulog na ang tatlong dice sa tatlong cubicle. Pinulot ng tatlo ang kani-kaniya nilang dice.

Matapos ang pagbilang ng sampung segundo ay nawala ang puting usok sa buong paligid at muli nilang nakita ang isa't isa.

JUSTIN: Ayos lang ba kayo?

Tumugon ang lahat sa kanya.

JULIAN: Sinong mga nag-roll ng dice?

ALFIE: Ako, isa ako sa nagroll ng dice.

HIKO: Anong numero ang lumabas?

ALFIE: Six!

JULIAN: Sino pa?!

MARICAR: Ako din, nagroll din ako ng dice. Number three naman ang lumabas sa dice ko.

Habang inaalam nila ang mga lumabas na numero ay kanila na ring sinusubukang alamin kung ligtas pa ang numerong hawak nila. Ang kabuuang bilang ng numero ay Nine, kaya't maaring sunod na mamatay ang may mga hawak ng numero mula ten hanggang fifteen, depende sa numerong lalabas sa pangatlong dice. Maaaring isa kina Kyla, Maricar, Julian, Justin o Hiko ang susunod na nawawala sa laro.

JULIAN: Sinong may hawak ng pangatlong dice?

Tanong ni Julian, ngunit walang agad na tumugon sa kanyang tanong.

JULIAN: Guys? Na kanino yung pangatlong dice?

KYLA: Na-nasa akin.

Sagot nya.

JULIAN: Na sa'yo. Anong numero ang lumabas?

Hindi sumagot si Kyla, sa halip ay ipinakita nito ang kanyang kamay. Nakita nila ang dice sa palad ni Kyla at naunawaan nila ang ibig sabihin nito.

JOANNA: Hindi mo ni-roll yung dice?

KYLA: Hi-hindi ko kaya.

JERRY: Kyla, bitawan mo na yung dice. Maari tayong mapahamak lahat sa ginagawa mo.

KYLA: Pero di ko kayang maging dahilan ng pagkamatay ng isa sa atin.

JERRY: Mas-ok na yun, kaysa naman lahat tayo ang mapahamak. Bitawan mo na yung dice.

Napalingon ang lahat sa kanyang cubicle dahil sa kanyang sinabi. Hindu nagtagal ay nakumbinsi rin ni Jerry si Kyla. Ipinikit na lamang ni Kyla ang kanyang mga mata at saka binitawan ang dice habang ang iba naman ay naghihintay kung anong numero ang lalabas sa dice.

MARICAR: A-anong number yung lumabas?

Tensyonadong tanong ni Maricar. Tinognan ni Kyla ang dice at saka nilingon ang kanyang mga kasama.

KYLA: Three!

Agad na nakaramdam ng kaba si Julian dahil sya ang may hawak ng susi na may numerong twelve.

ALFIE: Sinong may hawak ng numerong twelve?

HIKO: Julian.

Bigkas niya, napalingon ang lahat sa cubicle ni Julian at kita nila sa mukha nito ang takot at kaba.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon