Dice Game - PART XIV

93 5 1
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Fourteen:

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:13AM

RANDY: Hindi naman natin kailangang magpakahirap na sagutan yang clue na yan e.

Matigas na sambit ni Randy dahilan upang mapalingon ang lahat sa kanya. Nakita nila ang galit at nanlilisik nitong mga mata.

RANDY: Kilala na natin kung sino yung Game Maker.

HIKO: Huh?

MARICAR: Sino?

Pagtataka nila. Hindi umimik si Randy sa halip ay nilapitan nya na lamang ang taong kanyang tinutukoy. Nagulat ang lahat sa mga sumunod na nangyari, dahil sinuntok nya sa mukha ang taong kanyang binabanggit at napabagsak ito sa sahig.

Nabigla ang lahat sa nangyari at ang sumunod na lamang nilang nakita ay nasa sahig na si Julian at gulat din sa ginawa ni Randy.

Hindi pa nakuntento si Randy, muling nya itong nilapitan at umibabaw kay Julian at saka muling sinuntok ang mukha nito. Hindi makalaban si Julian dahil nakadagan si Randy sa kanya.

RANDY: Umamin ka na! Di ba ikaw ang Game Maker!

Sambit ni Randy habang binubugbog nya si Julian.

JERRY: Randy tumigil ka na.

Nilapitan ni Justin at Nico si Randy upang ilayo ito kay Julian. Ngunit nagpupumiglas pa rin si Randy. Samantala, inalalayan ni Hiko at Alfie si Julian na makatayo. Nagkaroon ng sugat sa labi si Julian dahil sa ginawang pag-atake ni Randy.

JULIAN: Anong pinagsasabi mo, hindi ako ang Game Maker.

RANDY: Hah! Hindi ka naman talaga aamin e. Numero mo ang lumabas kanina pero si Kyla ang namatay. Kinontrol mo yung laro para hindi ikaw ang mamatay di ba?

JULIAN: Huh? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, kahit ako nga nagulat ng makaligtas ako.

RANDY: Tss! Lokohin mo lelang mo.

Bigkas nya habang nakahawak ng mahigpit sa kanya sina Nico at Justin.

CANDICE: Randy, para kang tanga! Hindi ka talaga nag-iisip.

Bigkas ni Candice, napalingon ang lahat sa kanya at nagtaka.

CANDICE: Hindi si Julian ang dahilan kung bakit namatay si Kyla.

JESSICA: Ano?

CANDICE: Hindi ako sigurado, pero siguro dahil sa hindi pagsunod ni Kyla sa rules kaya sya ang sumunod na namatay.

Bigkas ni Candice, naalala ng lahat ang tinutukoy niya. Tapos na ang sampung segundo bago pa man binitawan ni Kyla ang dice, hindi nya nasunod ang rules sa pamamagitan ng pag-roll ng dice sa loob ng sampung segundo.

JOANNA: Sa tingin nyo yun yung dahilan?

JERRY: Yun din ang sa palagay ko. kaya Randy, hindi mo dapat agad na sinugod si Julian, hindi tayo sigurado kung sya nga talaga yung Game Maker.

RANDY: Ewan ko sa inyo.. Ang sabihin nyo, mga duwag lang kayo. Nasa harap nyo na yung may pakana ng lahat ng 'to ayaw nyo pang gumawa ng paraan, hindi kayo mananalo sa larong 'to kung mahina loob nyo.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon