Dice Game - PART VII

124 3 11
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Seven:

JUNE 04, 2013.
TUESDAY 09:12AM

Second day of enrollment, Pumasok si Hiko sa school at kanyang naabutang nakatambay sa bench sina Alfie, Randy, Kathleen, Joanna, Killian at ang bestfriend nitong si Julian.

HIKO: Good morning guys!

Bati nya sa kanyang mga kasamahan. Bumati rin naman ito sa kanya ng magandang umaga.

HIKO: Bakit nandito kayo? Tapos na kayo nagbayad ng tuition?

Tumango ng sabay sabay ang lahat.

JULIAN: Bakit pala wala ka kahapon?

Bungad ni Julian sa kanya.

KILLIAN: Oo nga, nagpunta kami kahapon sa central e. Sayang wala ka.

HIKO: A may inasikaso kasi ako kahapon e.

JULIAN: Ano?

HIKO: Basta!

ALFIE: Sayang talaga wala ka kahapon.

RANDY: Ok lang yun, bawi ka na lang ngayon.

Hirit ni Randy kay Hiko.

JOANNA: Ano, gagala na naman? Di mapirme sa kanya kanyang bahay?

RANDY: Bakit? Ayaw mo?

JOANNA: Gusto! Ako pa, tumatanggi ba ako sa gala.

HIKO: Umm, sige sasama ako sa gala ngayon. Saan ba?

RANDY: Sa inyo!

Agad na sagot ni Randy na agad na ikinagulat ni Hiko.

HIKO: Seryoso, samen?

RANDY: Oo, sa inyo na lang tayo.

HIKO: Ano namang gagawin natin sa bahay?

RANDY: Movie marathon, para maiba naman puro na lang gala sa mall e.

ALFIE: Oo nga, MM naman.

Napansin nila na nag iisip si Hiko.

JULIAN: Pumayag ka na!

Pangungumbinsi ni Julian, samantala nakatingin ang lahat kay Hiko at hinihintay ang pagpayag nito.

HIKO: Umm.. Ok! Sige na nga! Total aalis din naman sila mama e.

Napilitang sagot ni Hiko agad namang naghiyawan ang lahat at tuwang tuwa sa pagpayag ni Hiko.

KILLIAN: Sayang di ako makakasama.

KATHLEEN: Bakit?

KILLIAN: Kailangan ko umuwi agad e.

ALFIE: Sayang, ok lang yan. Meron pa namang next time!

Maya maya pa ay dumating sina Luisa, Candice at Marco na kagagaling lamang sa pagbayad ng tuition fee sa cashier.

ALFIE: Oh, kumusta? Tapos na kayo?

LUISA: Oo, nakakainis ang init tapos ang haba pa ng pila.

KATHLEEN: Talaga? Kanina kasi maikli lang yung pila e.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon