Dice Game - PART XXIII

51 3 0
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Twenty-Three:

JULY 30, 2013.
TUESDAY 11:17AM

Lunch time. Nakatambay ang tropa nina Maricar sa Bench Area at katatapos lang nilang kumain. Habang nag-uusap sila ay nakita nilang papalapit sa Bench Area si Norman at may isang magandang babae na nakakapit sa kanyang braso.

NORMAN: Guys, nakita nyo si Pres(Roland)?

JUSTIN: Hindi e.

Sagot nila. Nagtataka ang lahat kung bakit may babae na nakadikit kay Roland at parang ang sweet nila. Napalingon ang lahat kay Maricar at nakita nilang nagbubulag-bulagan ito. Alam ng buong klase maging ni Norman kung gaano sya kagusto ni Maricar ngunit hanggang ngayon ay hindi sya nito napapansin. Habang ang buong klase ay boto at umaasang si Maricar at Norman ang para sa isa't isa. Hindi na nila nalipigilan ang sarili.

JESSICA: Umm.. Norman, sino sya?

NORMAN: Ah, guys! Sya nga pala si Sarah bago kong girlfriend, Sarah mga classmate ko.

Pagpapakilala nya. Nagbatian ang mga ito habang sina Joanna ay nagawa pang tanungin ang bagong nobya ni Norman.

JOANNA: Ate, anong course mo?

SARAH: Mechanical Engineering po.

RANDY: Anong year ka na?

SARAH: First year po.

FRANKLIN: Grabe ka Norman. Child Abuse!

At nagtawanan lamang sila. Pinagpatuloy nila ang pagtatanong habang si Maricar ay patuloy sa pagpapanggap na hindi nya naririnig ang mga pinag-uusapan at nakikita si Norman. Maya-maya pa ay umalis na ang magnobyo upang hanapin si Roland. Ngunit hindi pa rin natatapos ang usapan sa kanilang tropa, ngayon naman ang kanilang pinag-uusapan ay ang tungkol kay Norman.

JULIAN: Grabe si Norman nuh! Second month pa lang may bago na namang gf.

HIKO: Oo nga, first year pa yung naging gf nya.

JERRY: Ganun kasi talaga pag gwapo.

NICO: Weh?! Bakit si Alfie? Mr. EUP yan last year pero since birth walang naging girlfriend yan.

RANDY: Ibang usapan na pagdating kay Alfie, bading naman kasi yan eh!

ALFIE: Hehe, nakakatawa. Good boy lang talaga ako.

Tanging depensa nya.

RANDY: Good boy daw!

KYLA: Oo, good boy yan si Alfie, sadyang playboy lang talaga si Norman.

JOANNA: Pang-ilan na ba ni Norman yun?

JESSICA: Pang-apat? O panglima? Hindi ko na matandaan e.

RANDY: Pang-apat nya na ata yun kasi kada sem may bago syang gf e.

HIKO: Oo nga, tapos di nyo ba sya narinig kanina kung pano nya pinakilala yung girlfriend nya. Sabi nya "guys, si Sarah. Bago kong girlfriend".

Bigkas ni Hiko habang may pagdiin sa salitang bago at nagtawanan na lamang ang lahat. Samantala, hindi na nakakaya ni Maricar ang mga naririnig nya kaya't tumayo sya sa kanyang kinauupuan na agad namang napansin ng lahat.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon