Dice Game - PART XIII

99 5 2
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Thirteen:

JUNE 26, 2013.
WEDNESDAY 09:45AM.

Natapos na ang unang klase nila sa araw na ito. Nagsilabasan sila upang pumasok sa susunod na subject. Habang naglalakad sa corridor ang buong seksyon nila para pumunta sa susunod na classroom, nakalayo si Nico sa kanilang tropa at ang tangi nya lamang kasama ay sina Joanna at Alfie. Halos tatlong linggo na rin ang nakakalipas magmula ng magkaroon sila ng issue tungkol sa isang text messages. Naging tahimik si Nico nitong mga nakaraang araw dahil na rin sa mga nangyari nung unang pasukan pa lang.

Nasa kanilang unahan sina Maricar at nagtatawanan. Nakita ni Joanna ang inggit sa mga mata ni Nico na para bang gusto nitong makisali sa tawanan nila Randy.

JOANNA: Naiinggit ka no?

NICO: Huh?.. a.. s-saan?

JOANNA: Sa kanila.

Bigkas niya. Hindi sumagot si Nico.

JOANNA: Bakit di mo sila lapitan?

NICO: Ayoko muna, baka may galit pa sila sa'kin e.

Bigkas nya, lungkot naman ang naramdaman ni Alfie nang sabihin ito ni Nico. Dahil alam nyang napakahirap nito para sa kanya.

RANDY: Alfiee!!

Sigaw ni Randy sa kanilang unahan na ikinagulat nilang tatlo.

RANDY: Halika dito!!

Nakangiting bigkas ni Randy.

ALFIE: Puntahan ko lang muna a.

Paalam nya sa dalawa at saka umalis. Naiwang magkasabay na naglalakad si Joanna at Nico.

JOANNA: Umm, Nico. Bakit mo ba kasi naisip na gawin yung text message na yun?

Natawa na lamang si Nico sa tanong ni Joanna.

NICO: Heh, hindi ko nga rin alam kung anong pumasok sa isip ko nung araw na yun e.

Sagot nya, ilang saglit pa ay muling bumalik at sumabay sa kanila si Alfie.

JOANNA: Bakit ka nila tinawag?

Tanong ni Joanna kay Alfie.

ALFIE: May sinabi lang sila sa'kin.

JOANNA: Ano?

Tumingin si Alfie kay Nico.

ALFIE: Nico, gusto ka daw nila kausapin mamayang uwian.

NICO: Huh? Bakit daw?

ALFIE: Ewan!

JOANNA: Baka naman makikipag-ayos na rin sila.

Hula ni Joanna.

ALFIE: Baka!

Nakita ng dalawa ang ngiti sa mukha ni Nico na ikinagaan ng loob nila. Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa isang classroom para sa susunod na klase.

JUNE 26, 2013.
WEDNESDAY 05:31PM

Uwian, nasa ROTC field sina Nico, Alfie, Maricar, Jerry, Jessica at Joanna. Narito sila upang pag-usapan at ayusin ang hindi pagkakaunawaan sa isa't isa.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon