Dice Game - PART XI

124 5 4
                                    

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Eleven:

JUNE 10, 2013.
MONDAY 11:49AM

Masaya ang lahat habang sabay sabay na kumakain. Ang wala lamang sa kanilang pwesto ay si Justin na nagtungo pa ng restroom. Patuloy sila sa tawanan. Ang hindi alam ng labing dalawa ay mayroong problemang lalapit sa kanilang likuran sa araw na ito.

ROLAND: Jerry!!

Sigaw nito at sabay sabay na napalingon ang lahat.

JERRY: Uy, bakit pres?

ROLAND: May tatanong lang sana kami.

JERRY: Ano?

ROLAND: Pamilyar ba kayo sa text na 'to?

Bigkas nya habang iniaabot ang cellphone ni Nancy sa kanya. Nang kanilang marinig ang salitang text ay agad silang nagkatinginan. Bakas sa kanilang mga mata ang kaba at takot. Kinuha ni Jerry ang cellphone sa kamay ni Roland at kaniya itong binasa, gusto ring malaman ng iba kung ano ang text message na binabasa ni Jerry.

Samantala, sa kanyang tabi ay nakikiusyoso si Franklin at Randy.

FRANKLIN: Teka, di ba ito yung text message na pinakita nyo samin ni Kyla last week?

Tanong nya kay Roland.

ROLAND: Oo, yan nga yun?

FRANKLIN: Teka, di ba si Norman yung naka receive ng message, tapos pati rin ikaw, Nancy? Naka receive ka rin?

Tumango lamang si Nancy bilang pagsagot.

Naintriga naman sina Luisa at Marco sa pinag-uusapan nila kaya't nakiusyoso rin sila. Samantala, ang iba ay kabado pa rin sa mga susunod na mangyayari, alam nilang meron na silang nakatakdang plano upang lusutan ito, hindi nga lang sila sigurado kung tatalab ang naisip nila.

LUISA: Teka, mga pangalan nyo 'tong nandito aa.

MARCO: Oo nga, tsaka bakit ganun? Paulit ulit yung Mag-iingat ka sa kanila? Bakit kailangang mag-ingat sa inyo?

Pagtataka ng dalawa.

LEA: Yan nga din yung pinagtataka namin kaya kami lumapit dito, baka may alam kayo sa text message na yan.

Bigkas nila, samantala, kabadong kabado ang lahat at pinagpapawisan. Napansin naman ito ni Jerry kaya't kinailangan na niyang pasimulan ang plano.

JERRY: a.. e, sus! Naniniwala kayo sa text na yan. Kilala naman kung sino lang nagtext nyan.

Napatanong ang lahat kung sino ang tinutukoy ni Jerry.

JERRY: Sila Ian lang yan.

Sagot nya.

IAN: Hindi kami yan!!

Agad na depensa ni Ian. Nagulat ang lahat ng biglang nagsalita si Ian. Hindi nila akalain na nariyan pala siya at kasama nina Norman.

JERRY: Talaga, hindi kayo yun??

Sarkastikong bigkas ni Jerry.

IAN: Oo, hindi kami yung nagtext nyan. Hindi namin alam kung sino may gawa nyan.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon