Prologue

14.9K 383 57
                                    

"Hmm, I wanna kiss you so bad— ah!" She giggle when I squeezed her sexy butt. We are at the dark part of the bar, she's drunk but I am not.

"Yes, me too." I let my seductive and hoarse voice making her even more flushed. Ang kamay ko ay humahaplos sa bewang niya pababa sa pang-upo niya at pinisil ito. Ang dalawa niyang kamay ay nasa magkabila kong braso.

She kissed my neck as I let her do whatever she want. Ngunit ang kamay niya ay napunta sa aking dibdib na ikinagulat niya.

"B-Babae ka?!" She exclaimed. Parang nawala ang kalasingan sa sistema niya.

I smirked. Hinapit ko ang waist niya at hinalikan siya ng mapusok. Hindi niya nagawang umayaw, ang galing ko yata humalik. *smirk internally*

In the middle of nibbling each other's lips, someone pulled me and punched my face. Tumingin ako sa sumuntok sa akin. Isang matabang lalaki na galit na galit na nakatingin sa akin.

"Bakit mo ako sinuntok?" maangas na tanong ko sa kaniya, habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi ko. Hmm, masasabi kong medyo malakas nga ang suntok niya, pero parang langgam ang sumuntok.

"Bakit mo niloko ang kapatid ko?!" sigaw niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.

"Sino ba ang kapatid mo?" tanong ko dahil nagtataka talaga ako.

"Si Gina. Walang hiya kang lalaki ka! Manloloko ka!" sigaw niya at sinuntok ulit ako.

'What the?! Sumusobra na siya! Anong karapatan niyang bangasan ang gwapo kong mukha?!'

Sa sobrang inis ko, sinuntok ko siya sa mukha at sinipa ang malaki niyang tiyan. I glared at him, he's making my demon side play again.

"Kingina. Anong pakialam ko sa Gina na 'yan? Hindi ko nga alam na nagkaroon ako ng girlfriend na Gina ang pangalan e." I said firmly. Call me insensitive, pero ganito talaga ako. At saka, totoo naman ang sinabi ko. Halos hindi ko na matandaan ang mga pangalan ng mga naging girlfriends ko.

"Tarantado ka pala e!" sigaw niya at sinuntok ulit ako sa mukha.

'Kingina naman.'

Sinuntok ko din siya at kinuha ang kamay niya at pinalupot ito. Napadaing siya ng malakas, sinipa ko ang likod ng tuhod niya kaya napaluhod siya. Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya ngunit napangiwi ako.

Ang baho ng ulo niya. Hindi yata siya naliligo.

"Ang baho mo, panget." bulong ko at binitawan siya.

Natatawa ako sa reaksyon niya, malalaki ang mata niya na parang tarsier at malaki ang butas ng ilong at nai-imagine ko na umuusok ang ilong niya. Galit na galit ang itsura niya ngayon.

"Hoy! Bugbugin niyo siya!" sigaw niya sa mga kasama niya na hindi ko napansin. May mga kasama pala siya, akala ko mga statue.

Ngumisi ako sa kanila bago tumakbo palabas ng bar. I won't let my own bar to get dirtied because of them.

"Ang kupad nyo mga panget!" sigaw ko sa mga unggoy na humahabol sa akin. Hindi naman ako tumatakbo sa labanan pero, aasarin ko muna sila. Nakakatawa kasi ang itsura ni taba kanina.

"Hoy babae! Tumigil ka!" Sigaw ng isang unggoy na nagpatigil saakin.

'A-ako? B-babae?' Hinarap ko sila habang masama ang tingin.

"Anong sabi mo unggoy? Babae ako? Oii, for your information, lalaki ako!" Sigaw ko habang masamang-masama ang tingin sa kanila.

Tawagin ba naman ako na babae? Hindi ba nila alam na ako ang pinaka-gwapong lalaki sa buong mundo? Sa gwapo ko na ito tapos sasabihan lang na 'babae', nasaan ang hustisya?!

Reincarnated In A Prince's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon