Epilogue

4.2K 151 5
                                    

Nandito ako sa kwarto ko. Nandito din si Mom, Ina and Mamá Cass. Inaayusan nila ako. Ewan ko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nila ako inaayusan.

Nakabusangot ako. Paano ba naman, pinapasuot nila sa akin ang isang magarang gown. Violet with gold ito. Aware naman siguro sila na hindi ako nagsusuot ng gown diba? I prefer jeans and t-shirts pero sabi nila, special daw ang araw na ito.

Nandito kami sa Ice Kingdom. Napabuga nalang ako ng hangin habang nakaharap kay Mom na mine-make-up-an ako. Nakasimangot ako habang sila naman ay malaki ang ngiti

"Ngumiti ka nga Kei." Utos ni Mom habang nilalag-yan ako ng lipstick. Hindi ako ngumiti sa halip ay ngumiwi ako.

Damn. Oo nga, tanggap ko na ang pagiging babae ko pero, argh! I hate wearing gowns and make ups. Makati sa katawan at mukha.

"Ang ganda mo na my daugther-in-law." Sabi ni Mamá Cassandra.

"Uyy, tayo naman ang mag-ayos." Sabi ni Ina na sinang-ayunan ni Mamá Cass habang si Mom ay inaayos pa ang buhok ko.

Lumabas na silang dalawa habang kami nalang ni Mom ang naiwan dito.

"Mom, ano ba talagang mero---" Natigil ako ng maramdaman ko na parang hinuhukay ang tiyan ko.

Kaya dali-dali akong tumakbo sa banyo ay nagsuka na sink. Tangi*na. Wala naman akong sinuka pero parang hinuhukay ang tiyan ko. Ramdam ko ang kamay ni Mom na hinahagod ang likod ko.

Para akong nanghihina. Napasandal ako sa lababo, sh*t. Nahihilo din ako.

"Ayos ka lang, anak?" Hinahaplos niya ang buhok ko habang nakaalalay sa akin.

"Nahihilo ako Mom." Nakanguso na sabi ko.

Kingina. Hindi naman ako sakitin e. Siguro dahil sa make-up at gown. Allergic yata ako dito e. Ramdam ko na medyo ayos na ang pakiramdam ko ay naglakad na ako pabalik sa kwarto ko at umupo sa kama.

"Are you really okay?"

"I'm fine na Mom." Napatingin ako sa gown ko at hinawakan ito. Tumayo ako at tumingin sa salamin at ngumiti. "Ang Ganda Mom. Ang ganda ko!"

Kita ko ang pagngisi ni Mom.

"Mana ka sa akin, 'nak." Parehas kami natawa nang mahina.

Lumapit siya sa akin at pinaharap sa kaniya. Tinitigan niya ang buo kong mukha na parang sinusuri ito. Habang may ngiti sa labi niya. Iba-iba din ang emosyon na makikita sa mata ni Mom.

"Anak, this is it." Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Mom...?"

"Alam mo, sa totoo lang, takot ako na mawalay ka saamin. Noong nalaman namin na ililipat ni Scarlet ang kaluluwa mo sa ibang katawan pagkatapos mong mamatay, natakot ako, baka kasi makalimutan mo kami."

"Mom?"

"Simula bata ka pa, hindi ko naisip na mawawalay ka sa amin. Iniisip ko palang na darating ang araw na gagawa ka ng sarili mong pamilya, ayaw ko."

Namumuo ang luha sa mata niya.

"Pero heto na, gagawa ka na ng sarili mong pamilya. Maikakasal ka na sa taong mahal mo at makakasama mo habang buhay. Anak, mahal na mahal kita."

Kasal? Bakit hindi ko 'yon alam? Ano 'to, surprise wedding?

Ngumiti sa akin si Mom at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik. Gosh. Umiiyak ang nanay ko!

"Mom..." I don't know what to say. "I love you too Mom."

Humiwalay na siya sa yakap at pinunasan ang mukha niya.

Reincarnated In A Prince's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon