Chapter 21: Something's fishy

5.1K 225 3
                                    

ICE WOLFORD's POV

Nakadukdok lang ako sa upuan ko. Sa bandang likod at malapit sa bintana ang pwesto ko. Wala si Ace dito, ewan ko kung nasaan 'yon, naglilibot na naman siguro.

Hindi naman talaga ako tulog, naka-dukdok lang, nabo-bored ako. Nakikinig pa rin naman ako kahit na naka-dukdok ako. Then suddenly,

"Mr. Ice Wolford ready your things and go to Head Mistress's Office." Biglang sabi ng teacher sa akin kaya napa-angat ang tingin ko.

Tumayo nalang ako at kinuha ang gamit ko at lumabas. Hindi ko alam kung bakit ako pinapapunta sa HM office, at kasama pa ang gamit ko.

Wala naman akong maalala na ginawa kong labag sa rules. Tahimik lang ako, bakit kaya ako pinapa-punta sa Head Mistress's office?

Nang marating ko na ang Office ni Head Mistress ay kumatok ako ng tatlong beses. Naka-rinig ako ng tinig sa loob na nagsasabi na pumasok ako.

Pumasok na ako at bumungad sa akin ang mukha ni Ace na naka-ngiti, nagtaka naman ako kung bakit siya nandito.

May ginawa ba siya na labag sa rules?

"Mr. Ice Wolford, You and Mr. Ace can now go in your class." Pormal na sabi ni HM ngunit halatang napipilitan. Nandito rin si Princess Ashley.

"Let's go." Sabi ni Princess Ashley at kumapit sa braso ni Ace at bahagyang hinila pa-alis.

Nagtataka naman akong tumingin kay Ace

"Sa Royal Gold Section na tayo papasok." Sabi niya sa isip ko at kinindatan pa ako.

Royal Gold Section? How?

Dali-dali akong sumunod kila Ace, nakakapit parin si Princess Ashley kay Ace na s'yang ikinataka ko pa lalo.

Nang makarating kami sa Royal Gold Section ay kusang bumukas ang pintuan na ikinamangha ko. Pumasok na sila kaya pumasok na rin ako.

"P-princess Ashley...?" Naguguluhang sabi ng Teacher habang nakatingin kay Ace tapos ay lumipat ang tingin sa akin.

"They will be new member of this Section." Anunsyo ni Princess Ashley, nagawi ang tingin ko sa bandang likod, nandon ang mga kaibigan namin.

Kita ko ang tuwa sa mga mata ng mga kaibigan namin, ngayon ay may mga malalaking ngiti na sa kanilang labi. Samantalang, ang mga Royalties naman ay naguguluhan, naiirita, nagtataka at may naiinis.

"H-how...?" Takang tanong ng guro. Napa-ngisi naman ako. Hindi nila ine-expect.

Tsk. Well, ako rin naman, hindi ko ine-expect na malilipat kami sa section na 'to. Pero nakakatuwang pagmasdan ang itsura nilang naguguluhan.

"Kapag sinabi ko, sinabi ko! Maliwanag?!" Singhal ni Princess Ashley, natahimik naman ang teacher at yumuko.

Medyo nakakatakot nga siya, but mas nakakatakot parin si Ace, ngisi palang, nakakatakot na but thankful ako dahil hindi ko pa siya nakikitang magalit, hindi ko gugustuhing makita siyang magalit, tiyak nakakatakot.

Hinila na ni Princesa Ashley si Ace sa isang upuan, sa pwesto ni Princess Ashley, tabi sila ni Ace. Umupo na rin ako sa likod at malapit sa bintana.

"Ice." Tawag nila saakin, tumingin ako sa kanila at nginitian sila. Bumaling naman sila ng tingin kay Ace, nakatingin din naman si Ace sa kanila, nag-ngitian sila tapos ay bumaling na sa teacher.

"So let's start, for the new members we will discuss again our former lessons..." Patuloy na nag-discuss ang teacher.

Nakikinig lang kaming lahat, pati si Ace which is new. Hindi kasi madalas makinig si Ace sa discussion, palagi siyang nakatitig sa isang direksyon or sa kawalan.

Reincarnated In A Prince's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon