Chapter 63: Moon, Crown

3.3K 131 7
                                    

KAITO ASHER'S POV

Nandito ako sa living room, nakaupo katabi si Ace, which is si Ate din pala. Nasa harap namin ang magulang at kapatid ni Ace habang nakatingin sa amin.

"Kapatid ko ho." basag ni Ate sa katahimikan. Napatingin ang pamilya ni Ace sa kaniya.

Aba, Magulang 'yan ni Ace, hindi sila ang magulang ni Ate dahil ang magulang namin ni Ate ay nasa mortal world. Tss. I still respect them, given their titles and importance in this world. I won't let them to take my sister as their own child, no way and I know that Mom and Dad won't agreed either. Share kami, p'wede pa.

"Hello iho," bati sa akin nang babae.

Ngumiti lang ako. Nagpakilala sila at mabilis kaming nagkasundo. Ang Hari ay bumalik sa ginagawa niya while kami ay nagkukwentuhan.

Kanina, lumapag kami sa kwarto ni Ate dito. Pinagbihis niya ako dahil mabaho daw ako *pout* tapos biglang nakita ko si Ace sa kama ni Ate. Ganito ang nangyari...

FLASHBACK...

Nakakapit ako ng mahigpit kay Ate at nakasiksik ang mukha sa leeg niya. Nakakatakot kaya sa taas pero maganda ang tanawin but still, nakakatakot pa rin dahil baka mahulog ako. Pero I trust my sister, she won't let me to fall down.

Namalayan ko nalang na ini-upo ako at binitawan ni Ate. Woah. Muntik na akong makatulog doon ah. Ang bango kasi ni Ate e.

Tumingin ako kay Ate,

"Saan tayo?"

"Sa kwarto ko sa Ice Kingdom." Maikli na sagot niya at may kung anong kinuha.

"Huh? Anong ginagawa natin sa Ice Kingdom?" takang tanong ko. At saka, kailan pa siya nagkaroon ng kwarto sa Ice Kingdom? Did I missed something?

"Magpapaliwanag ako mamaya kaya shut up." Masungit na sabi niya at lumapit sa akin. May binigay siya sa akin at obviously damit 'yon. "Maligo ka nga, ang baho-baho mo. Ilang araw kang hindi naligo?"

Napanguso nalang ako bago tumayo.

"Saan pala ang banyo?" Tinuro niya naman ang isang pinto kaya pumunta ako doon at pumasok.

Namangha ako dahil sa laki at linis ng banyo ni Ate. Malaki ang bath tub, may sink, may toilet, may shower at iba't-ibang things na kailangan sa banyo. Lumapit ako sa tub, ang laki, parang kasya dito ang limang katao.

Pinuno ko ng tubig ang tub at naghubad ng damit bago lumusong. Ahh. Ang sarap, pinagsamang init at lamig, in short maligamgam ang tubig at masarap sa pakiramdam.

Time skip.

Matapos ang ilang oras kong pagligo at pagbibis ay lumabas na ako. Habang nagpupunas ay natigilan ako ng makitang may lalaki sa kama ni Ate, nagbabasa ng libro. Nanlaki ang mata ko. Sino 'to? Anong ginawa niya rito? Boyfriend ba siya ni Ate? Or worst asawa?

Reincarnated In A Prince's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon