Chapter 58: Revelation

3.8K 157 13
                                    


Habang nagkakasiyahan sila, may dalawang prinsipe na lumayo at pumunta sa walang tao at doon ng usap. Ano kaya pinag-uusapan nila? Let's chismis.

"Nagawa mo ba?"

"Nailagay ko ang kay Darkill, e yung sayo?"

"Nagawa ko." Sabay silang ngumisi dahil sa pinaplano nila. Tumingin sila sa dalawang prinsipe na magkapatid.

"Ang kailangan nalang ay inumin nila ang alak and let's do our move."

"Yeah. Anyway, how about Ace?"

"'Di ba, sa kwarto niya dadalhin ang dalawa."

"Ang ibig kong sabihin, kahit na makita niya ang dalawa sa kwarto niya, syempre he will took care of them edi walang mangyayari."

"Painumin din natin siya. Easy as pie."

"Okay. Tara na baka makahalata na sila tapos wala tayo do'n."

Bumalik na ang dalawang prinsipe sa table kung saan ang kasama nilang prinsipe. Humiwalay ang mga prinsesa sa kanila. Nakamasid silang dalawa kay Darkill at Dark. Tutok na tutok sila, nang makita nilang iinom si Dark ay tinutukan nila ito.

Malapit na sanang uminom si Dark ng biglang sumulpot si Melody at hinila patayo si Dark at hinalikan sa labi. Napasinghap silang mga prinsipe. Sila naman ay napasinghal dahil natapon at nalaglag ang alak na dapat ay iinumin ni Dark

"D*mn! Palpak." Sabi nila. Hindi nangyari ang gusto nila, hindi naimon ni Dark ang alak na may inilagay sila. Umalis na si Melody habang si Dark ay umupo na na parang walang nangyari.

"Woah! That's Wild. Sana tinuloy niyo na, may live p*rn na sana kaming napanood." Natatawang sabi ni Ace. Nakatanggap naman siya ng masamang tingin mula kay Dark, napasipol siya kunwari walang sinabi.

Tumayo si Ace at nagpaalam na kukuha siya ng pagkain niya.

Napalingon naman ang dalawang prinsipe kay Darkill dahil nahagip nila ito na iinumin na ang alak sa baso niya. Tutok na tutok sila, kung paano lunukin ni Darkill ang alak. Halos magtatalon sila sa galak dahil tagumpay sila kay Darkill.

Bumalik na si Ace na may dalang napakaraming pagkain. Halos lahat ng putahe ay meron siyang kinuha. Nagulat sila at hindi makapaniwalang nakatingin sa mga pagkain na kinuha ni Ace.

"Ayy wait may nakalimutan ako." Umalis ulit si Ace para kumuha ng isang bote ng alak at desserts.

Matapos natauhan sa pagkabigla,

"Wew! Ang dami naman no'n." Dahan-dahan kumuha ng isang piraso si Claude ng pagkain tapos ay mabilisan niyang sinubo at nginuya.

"Oo nga, mauubos niya kaya 'yan?" Sabi naman ni Neir at kumuha ng isa din pagkain at inosenteng kinain 'yon.

"Palagay ko, hindi." Sabi din ni Neil at kumuha din ng fried chicken at kinain 'yon.

"Kaya, tulungan natin siya." Sabi din Iceon at kumutsara ng mga ulam at pagkain.

Kaniya-kaniyang kuha ng kutsara ang mga prinsipe at kaniya-kaniya din kuha ng pagkain ni Ace at kinain.





SI ACE naman ay abala sa pagkuha ng desserts ng tinawag siya ni Reyna Ariela. Lumapit siya doon at pansin niya agad ang malungkot na ekspresyon ng Reyna.

"Bakit po?"

"Keira," banggit nito sa tunay niyang pangalan na ikinagulat niya. "Pumunta sina Kairo at Hellish saamin, sinabi nila ang totoo. Keira, sasabihin namin sa lahat ang tungkol sa'yo. Satin lang naman."

"Okay po."

"Sigurado ka?"

"Yeah. Mahirap magpaliwanag sa kanila dahil iba na ang kilos ko. Oras na yata para malinawagan silang lahat. But, don't tell them that I'm a girl. Mother, lalaki ako huh."

Reincarnated In A Prince's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon