Chapter 77: Eat

2.9K 140 9
                                    

KEICE POV

Nandito ako sa kwarto niya, nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang kamay at nakatitig sa kaniya. Mahimbing siyang natutulog, hindi pa siya nagiging simula kahapon. Sabi ng manggagamot ay nalason daw siya, yung usok na ginamit ng Demon Lord ay may lason, nakakapag-pabagal ng mga function ng mga cells sa buong katawan.

'Buti nalang ay nagamot ko siya, aba kung mamamatay siya, papatayin ko silang lahat. Am I cruel? Mahal ko 'to eh.

I felt sorry to Zen. Hinayaan ko lang na gawin sa kaniya 'to. Sana pala pinigilan ko na agad nung nakita ko kung paano siya kuhanin. Hindi ko akalain na ganito ang gagawin nila sa kaniya.

"Iha," boses ni Tita Cass, mother nila Zen and soon-to-be mamá ko na rin. Hinawakan niya ako sa balikat at bahagyang hinimas 'yon.

"Pahinga ka na." sabi ni Tita, bahagya ko siyang nilingon bago ibalik ulit ang tingin kay Zen.

"No tita, I'm gonna guard him. Baka may mangyaring hindi inaasahan, kailangan may bantay siya."

I heard her sighed.

"Iha, simula kahapon ay hindi ka pa nagpapahinga. Alam kong nanghihina ka na, una kinuha mo ang legendary sword siguradong mahabang panahon ang inilakbay mo, pangalawa nakipaglaban ka pa sa mga kalaban kahapon tapos ginamit mo ang crystal power mo para bigyan ulit ng buhay ang mga namatay at ayusin ang mga nasira."

Nanatiling tikom ang bibig ko, ayaw kong magpahinga. Gustong bantayan si Zen.

"Iha, alam kong gusto mong bantayan ang anak ko pero, isipin mo naman ang kalagayan mo. Sa tingin mo ay matutuwa si Zen na makita kang walang pahinga? Keice.. "

Tumingin ako sa mukha ni Zen. Tama si Tita, one week na din akong kulang sa pahinga. Hinalikan ko muna ang likod ng palad ni Zen bago bitawan ito at tumayo. Ngumiti si Tita sa akin.

"Pahinga ka na Keice, may bakanteng kwarto d'yan sa tabi nitong kwarto ni Kill"

I nod to her. I shot a last glance at Zen before going out of his room. Pumasok ako sa kabila at dire-diretsong bumagsak sa higaan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumikit.

Naalimpungatan ako dahil sa uhaw. I open my eyes, bumangon na ako but I notice something. Wala ako sa kwarto, nilibot ko ang paningin ko, puro itim lang. Ano bang ginagawa ko rito? Nasaan ba ako? Bakit ang dilim?

Hanggang sa may nakita akong liwanag, naglakad ako papunta roon. Habang papalapit ako sa liwanag ay palakas ng palakas ang ilaw, nakakasilaw. Napatakip ako ng mata dahil nasilaw ako.

"The Hell?!"

After mawala ng liwanag ay may naaninag akong bulto ng tao na nakatayo. Dahil malinaw ang paningin ko,I can clearly see her and...It's Me!

Nakatayo ako habang may hawak na dalawang bagay sa magkabilang kamay ko. Moon sa kanan at Gold Crown naman sa kaliwa. Pinatong ko kung crown doon sa moon, pansin ko, kulang sa diyamante ang korona.

Kinuha ko ang crystal na nakasabit sa leeg ko tapos ay inilagay ko ito sa korona. Biglang lumiwanag ang moon na may korona hanggang sa...

Nagising ako.

Dilat na mata akong tumitig sa kisame. Anong meron do'n? Bakit ganoon ang panaginip ko? Anong ibig sabihin no'n?

"Keice?"

Napalingon ako sa may pinto at nakita doon si Zen na nakadungaw. Ngumiti ako sa kaniya. Pumasok siya at umupo sa kama.

"Gising ka na!" Bulalas ko, mukha ng maayos ang lagay niya. "Anong ginagawa mo rito? Dapat nagpapahinga ka pa, kagigising mo lang."

Reincarnated In A Prince's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon