Chapter 72: Next week

3K 122 0
                                    

KEICE POV


12 midnight..

Gising na ako ng ganito kaaga. I need to ready myself. Kaya ganito ako at nalaman ko na may war dahil sa pananginip ko. That's not a normal dream or nightmare, that's all about what might happen in the future.

Pwedeng next week 'yon mangyari kaya kailangan kong madaliin.

Nandito ako ngayon sa pinakagitna ng bawat kaharian. Puro puno at naglalakihan na mga damo lang ang nakikita ko rito. Ano bang makikita ko rito? Bakit ba ako narito? Tang*na. Anong ginagawa ko rito? Hindi ko alam.

I suddenly look at the bracelet Zen gave to me. Kakaiba talaga 'e lalo na yung crystal na medyo malaki.

Ano nga ulit ginagawa ko dito sa gitna ng gubat? Ay ewan ko. Napabuntong hininga nalang ako. Kung wala akong gagawin dito, edi magte-train nalang ako. I was about to release my magic but I heard some growl.

*Grrr!*

Napalingon ako doon, nagulat ako dahil sa nakita. Siya din yata ay nagulat base sa ekspresyon sa mata niya na nanlalaki.

"Sh*t! Asher?!"

*Woof! Awooh!*

"Tang*na! Hindi kita maintindihan. Telepathy." He connect his mind to mine. Sa isip siya magsasalita while me, hindi.

"Ate! Anong ginagawa mo rito?"

"Ewan hehe." I said.

"Ate! Sisipain kita, umayos ka."

"Nye nye. Ikaw sipain ko e. So, nag-evolve ka ah. Mas lumakit at naging mabalahibo ka, gwapo natin ah."

"Tsk, ako lang ang gwapo 'no. Saka oo, nag-evolve ako kanina, full moon ngayon e."

I look at the sky, full moon nga. Ang liwanag ng buwan ngayon. Kulay dilaw ang buwan at malaki, kaya maliwanag ang paligid kahit madaling araw or midnight pa lang.

"Ate, sabi ng ibang fox at wolf, magkakaroon daw ng bloody moon sa susunod na linggo."

Napalingon ako kay Asher ng magsalita siya sa mind ko. Nakatingin din siya sa buwan. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Bloody Moon?"

Lumingon siya sa akin. Kita ko ang takot, pangamba, pag-aalala, pag-aalangan at iba pa sa mata niya. Kumunot ang noo ko sa ekspresyon ng mga mata niya. Bakit?

"Oo Ate, iyon din ang pinaka-hihintay ng iba, dahil kapag sumapit ang Bloody Moon, ang mga ibang nilalang katulad namin na mga Double Personality ay lumalakas. Mas malakas pa kaysan sa mga mages."

Napa-isip naman ako doon. Bloody Moon, the two personalities ay lumalakas. Ang mga Mages at Vampires ang pinaniniwalaan na pinakamalakas. Kapag nagsanid-p'wersa ay pwedeng pamunuan ang buong mundo.

Ang mga mages ang tinuring na malakas. Because mages are favoured by the gods and goddesses. While the vampires, the god of darkness were on their back.

Ang Two Personalities, malalakas sila, dahil pinagsamang nage at vampire or wolf or fox or whatever. Malakas sila kaysa sa amin pero para sa akin ay mahina sila. Ni-hindi nga sila nakalaban sa akin noong sumugod ako. Pero kung magiging mas malakas sila sa pag-sapit ng bloody moon, ewan ko nalang. E ako kaya? Magiging mas malakas din sa pagsapit ng bloody moon? Aish.

Reincarnated In A Prince's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon