Chapter 17: Game on the battle

5.2K 213 6
                                    

Kei/Ace POV

Days passed, puro practice lang ang ginawa namin. Yung ibang estudyante ay ni-hindi man lang nag-practice. Tsk masyadong bilib sa sarili. Akala mo naman magagaling na sila.

Nag-improve talaga ang mga kaibigan ko. Yung sa sword, katana, daggers, shurikens, bow and arrow and gun, kaya na nilang gamitin lahat ng armas.

Meron na din silang kanya-kanyang favorite na armas. Mostly, guns kasi madali lang gamitin ng baril, isang putok patay agad. But, sinabi ko sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon ay magagamit ang baril kaya may extra silang small knife or dagger.

Today, magaganap mamaya ang Magic Defend Battle sa Arena.

Marunong na rin kaming gumamit ng magic. Pinag-aralan din namin 'yon. Different techniques, hard or easy, ginawa namin. We try the hard but ended up being unconscious. Masyado nakaka-panghina ang mga hard techniques.

But still, marami na kaming kayang gawin gamit ang magics namin. Lumakas na sila at ako, ramdam ko na ang malakas nilang aura.

Tungkol sa akin, may nangyari sa akin this passed few days, may lumabas na hindi inaasahan. I got another magic! Maliban sa Ice, Merong lumabas na Fire magic saakin

Nakakagulat! Walang nakaka-alam no'n maliban sa akin at kay Scarlet. Yes, si Scarlet the soul. Sinabi ko sakaniya, I don't know but I feel that, I need to trust her. Magaan ang pakiramdam ko sakaniya. Maganda din siya kaya lang may asawa na. *pout*.

Masaya pa nga si Scarlet nang malaman niya na may lumabas na fire magic sa akin. Ewan, parang sobrang saya niya, at tila hindi na nagulat.

About sa Royalties. Hindi pa ako gumagawa ng hakbang para mag-dusa sila. I'll just wait some more time, sa susunod, makikita ko na silang umiiyak. Tsk can't wait to come that time.

Nandito na kami sa Arena. Kumpleto kaming magka-kaibigan. Puno na ang Arena at ang HM nalang ang hinihintay para mag-simula. Maingay ang buong arena, may na-eexcite, may kinakabahan, at may pa-chill chill lang.

I smirk, lakas ng kompyansa sa sarili, bilib na bilib sa sarili eh. May naramdaman akong tapik sa balikat ko, nilingon ko ito at si Rhonnie.

"Bakit Pareng Rhonnie?" Tanong ko sakaniya, nakatingin siya sa akin na parang natatakot.

"A-ang creepy mo Ace" Sabi niya habang nakangiti-- ngiwi at lumunok. Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit naman ako naging creepy pareng Rhonnie?" Nagtataka kong tanong.

"Naka-ngisi ka kasi ng m-mala d-demonyo eh." Sabi niya at bakas ang takot sa mukha. Natawa naman ako ng mahina.

Ganon na ba ako nakaka-takot? Ngisi palang nakaka-nginig na paano pa kaya kapag--- just kidding.

"Haha 'wag mo nang pansinin Pareng Rhonnie." Sabi ko nalang. Tumango naman siya at ibinaling sa iba ang atensyon.

At huwag ka din maki-alam, baka mamaya, hindi ka na masikatan ng araw... Joke!

Dumating na si Miss Dean at pumunta sa stage, sa gitna sa taas at malapit sa isang malaking monitor.

"Good Day Mages! Today is our Magic Defend Battle, where we will test the strength and talent by fighting of each students!" Sabi ng Dean/Head Mistress gamit ang microphone. Nag-ingay naman ang crowd, geez baka mamaya mabasag ang eardrums ko.

"This is not the usual battle. There's new because we will score each of you and if ever your score is high, there is a chance that you'll be part of ROYAL GOLD SECTION!" Sigaw ng HM sa huli. Umingay naman ang crowd maging ang mga kaklase ko.

"So, be ready Mages! Do your best! This is your chance! So let's Start!" May sinabi siyang dalawang pangalan at nag-laban ito.

Nanonood sila sa labanan. Lumingon ako sa kanan ko and I poke him. He look at me with questioning look.

Reincarnated In A Prince's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon