Chapter 20: Royal Gold Section

5.1K 195 8
                                    

SHAINA WIND's POV

"Ate... Gising na." Nagising ako dahil sa pagyugyog sa akin.

Minulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kapatid ko. Ngumiti siya sa akin ng matamis.

"Maligo ka na Ate." Sabi niya, tumango lang ako kaya tumalikod na siya at lumabas. Tumayo na ako at pumunta ng banyo at naligo.

Ngayon na pala ang lipat namin ng section. Naka-pasa kaming lahat maliban kila Ace and Ice. Bale kaming 16 ay mapupunta na sa Royal Gold Section.

Noong naglaban-laban kami ay parehas na ginamit namin ang mahika at defense, kaya mataas ang nakuha namin na score. Mostly 95 pataas ang score namin kaya pasok kami. 99 ang pinaka-mataas saamin at 95 ang pinakamababa---50 pala hehe, si Ice at Ace naka-50 lang.

After kong maligo ay nag-bihis na ako. Nagmamadali ako dahil may susundo daw sa amin para ihatid sa Royal Gold Section.

Lumabas na ako at dumeretso sa sala, naabutan ko doon ang kapatid ko at si Lorraine, nang makita nila ako ay tumayo na sila kasabay ng pagkatok sa pinto.

Si Shai naman ang nagbukas ng pintuan, kinausap siya nito tapos ay tumingin saamin.

"Tara na daw." Lumapit kami sa pwesto nila at nakita ko ang isang babae na naka-gold n uniform. Ngumiti siya saamin.

"Ako po ay isang student ng Gold Section of Air, ako po ang susundo sa inyo at maghahatid sa Royal Gold Section." Sabi niya habang naka-ngiti. Ngumiti din kami at tumango

Tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad, sinundan namin siya. Walang nag-salita hanggang sa dumating kami sa isang pinto na purong Gold ang kulay.

Huminto kami, hinarap naman kami ng babae, ngumiti siya saamin.

"Narito na tayo, ang swerte nyo at napunta kayo sa pinakamataas na section at makakasama n.yo pa ang royalties. Good luck," Sabi niya at umalis na. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.

Nagkatinginan muna kaming tatlo bago lumapit sa pinto, kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Woah... High-tech." Manghang sabi nila sa likod ko habang nakatingin sa pinto. Maging ako ay namangha.

Dahan-dahan kaming pumasok, bumungad saamin ang tahimik na paligid,  malinis ang paligid, ginto, at organized na mga gamit.

Napunta ang tingin namin sa mga upuan, nakaupo na sa unahan ang ilang Royalties. Mayroon naman sa likod, ang ilan sa mga kaibigan namin.

Dumeretso kami sa likod, tila walang pakialam ang mga Royalties, ni-hindi nga kami tinapunan ng tingin.

"Ate Ina..."
"Raine..."
"Shai..." Tawag nila sa pangalan namin.

Si Kenneth, Kelly, Rhianne, Rhonnie, Louise, Paul, Lorrence, Erman and Albert. Mga malungkot ang mukha nila, tila hindi masaya na nandito sila.

Umupo kami sa mga chair sa may bandang likod, nasa likod kami nila Rhianne. Tumingin sila saamin, nginitian lang namin sila ng pilit.

Hindi naman kami masaya, hindi kasi kami kumpleto.

Dumating na sila Stephanie, Stacy, Jasmin and Jasper. Katulad namin, hindi rin sila masaya. Umupo sila sa bakanteng upuan dito malapit saamin.

Kumpleto na kaming 16, kanya-kanya kaming ginagawa at walang nais na mag-salita, maging ang Royalties ay tahimik.

Half an hour later, we're already complete. Kumpleto na rin ang royalties maliban sa isa, iyong lalaking nerd na kulay black ang buhok, si Prince Darkill, wala pa siya rito.

Reincarnated In A Prince's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon