Chapter 57: Ace's Birthday III

3.5K 160 2
                                    

THIRD PERSON's POV

Kapag third person point of view, it means si Author ang magkukwento. Ina-narrate ko ang mangyayari and take note I'll try my best para hindi maging conyo ang chapter na 'to. *smiles wide* So, start. *clear throat*

HABANG kanya-kanya ang paghahanda ng mga prinsesa at mga prinsipe sa kaniya-kaniya nilang kwarto sa Ice Kingdom, dumating naman ang mga Hari at Reyna ng iba't-ibang kaharian, suot ang magagara nilang kasuotan. Sinalubong sila ni Reyna Ariela at inanyayahan niya ang mga ito sa malawak na bulwagan sa gitna ng palasyo kung saan nakahanda na ang mga kailangan sa selebrasyon ng kaarawan ng Prinsipe na si Ace.

Namamangha habang inililibot ang paningin sa buong lugar. Pinaghandaan nga talaga ang kaarawan na gaganapin, kahit na ang plano ay madalian lang ito.

"18th Birthday ito ni Ace, hindi ba?" tanong ni Reyna Nicole, ang reyna ng Thunder Kingdom. Tumango si Reyna Ariela, pinipigilan ang luha na kumawala.

"Lalabas kaya ang kapangyarihan niya?" tanong ni Haring Earthan at tumingin sa kanila nang inosente. Hindi niya na napigilan ang luha at umiyak habang nakayakap sa asawa.

Naguluhan at nagtaka naman ang mga ito sa biglang pag-iyak ni Reyna Ariela. Hinagod ni Haring Jack ang likod ng asawa upang gumaan ang pakiramdam at patahanin ito.

"H-hindi," umiiyak na sambit ni Reyna Ariela "Hindi lalabas a-ang k-kapangyarihan niya."

Lalong naguluhan ang mga hari at reyna sa tinuran ng Reyna. Paanong hindi lalabas ang kaniyang kapangyarihan? Ang sabi ni Diwatang Aya, pag-sapit ng ika-18 na kaarawan ni Ace ay maaaring lumabas ang kapangyarihan niya.

"B-bakit? M-mamamatay n-na ba si A-ace mamaya?" tanong ni Haring Thunder.

Ang alam nila ay isinumpa si Ace na limitado lang ang kaniyang buhay. Isa iyong sikreto.

Lalong lumakas ang hagulgol ng Reyna ng Ice Kingdom, mahahalata mo rin na nagpipigil ang Hari na si Jack kaya lalong naguluhan at nagtaka ang mga Hari at Reyna.

"C-can you tell us what the hell is happening?" iritado at naguguluhan na sabi ni Haring Ashiro ng Fire Kingdom.

Pilit na tumahan si Reyna Ariela.

"Kuya Jack?" Binigyan ng nagtatanong na tingin ni Reyna Nicole si Haring Jack.

"Ace..." Humugot ng malalim na buntong hininga si King Jack bago magsalita "Wala na siya. H-he's already dead."

Napasinghap naman ang mga Reyna at Hari, at maging ang isang prinsipe na hindi sinasadyang marinig ang usapan, si Prinsipe Ethan. Natigilan at hindi makapaniwala sa tinuran ni Haring Jack. Natulala sila sa mag-asawa dahil sa sinabi nito.

How? Paano nangyari na patay na si Prinsipeng Ace? Paanong wala na siya? Nasa academy pa siya diba? Pinaghanda pa nga nila ito dahil kaarawan ni Ace ngayon tapos sasabihin nila na patay na ito? Unbelievable.

"What the hell?"

Yes what the hell talaga. Magulo.

Napalingon ang mga Reyna at Hari sa pinanggalingan ng tingin na 'yon. Nandoon ang isang prinsipe na suot ang kaniyang magarang kasuotan habang tila nanigas sa kintatayuan niya malapit sa mga Hari at Reyna. Nagulat naman ang mga ito dahil hindi nila inakala na nandoon siya at hindi sinasadyang narinig ang balita na 'yon

Hindi makapaniwala ang prinsipe sa narinig. Napatulala siya sa pwesto ng mga hari at reyna. Pare-parehas sila, tila hindi ma-proseso ng utak nila ang nalaman, hindi kapani-paniwala.

"H-how?"

Iyan ang tanong sa kanilang isipan. Hindi talaga nila lubos na maisip na wala na si Ace at naguguluhan sila dahil gumising lang ito noong nakaraang ilang buwan. Paanong wala si Ace, e gising na gising at masigla ito, at lalaking-lalaki na.

Reincarnated In A Prince's BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon