1: Last Trip

30 6 0
                                    

1

Last Trip


"Gosh! Bakit ba kase wala pa sila Kian?! Ang daming langaw!"

"Be patient, Trina. Malapit na rin sila."

Inis na napapadyak si Trina sa lupa matapos siyang sawayin ni PJ.

"Sana kase nag taxi na lang tayo, tapos hayaan na lang natin ang mga boys na sumakay sa bulok na van ni Ros." Sabat rin ni Sue na kagaya ni Trina ay naiinip na din sa kakahintay sa mga kaibigang lalaki.

"Taxi is not allowed in that city," suway nanaman muli ni PJ.

Nanahimik na lang ang dalawang dalagita at inis na naghihintay sa tabi ni Alex na abala sa paglalaro ng Candy Crush sa phone. Buti pa ito hindi nagrereklamo, bulong ni PJ sa isip.

Nandito sila sa waiting shed ng University na pinapasukan nila. May event na nagaganap sa loob ngayon pero hindi sila sumali at nagbalak na lang mag sarili. Apat pa lang silang babaeng na nandito at wala pa ang pitong lalaki.

Sina Trina, Alex, Sue at PJ, anim silang babae kaso hindi makakasama ang isa na si Yuah, dahil apo siya ng may-ari ng University at hindi maaaring mawala. si Bry naman ay kasama ng pito ngayon. Malapit lang ang dorm na tinutuluyan ni Bry sa dorm ng pito kaya madali lang siyang masusundo nito.

Ang balak nila ngayon ay pumunta sa Baguio, kung saan nandoon ang lumang mansion nina Yuah. Rinokomenda niya iyon sa mga kaibigan kahit hindi siya makakasama.

"Sila na ata 'yon!"

Lahat sila napatingin sa itim na Van na paparating, si Ros ang nagmamay-ari non. Nang tumigil ang sasakyan sa harap nila, lumabas mula doon ang anim na lalaki, nag-aasaran pa ang mga ito.

"Why you guys took so long?" Iritang lumapit si Trina kay Kian, ang kasintahan niya.

"Napakabagal nitong si Ros kung magmaneho," sabi ni Mon at tinuro si Ros na nasa loob ng sasakyan katabi si Bry na tahimik lang.

"Anong ako? Ang babagal niyo nga magsikilos," maangas na palag ni Ros.

"Tss. You're the one who's-"

"Tama na english mo, Lods." Tinakpan agad ni Mon ang bibig ni Yuri bago pa nito matuloy ang sasabihin. Laging kontra si Mon sa pag e-english ni Yuri, masakit raw sa ulo at ilong.

"Miss mo ba ako?"

Sa kabilang dako naman ay panay ang asar ni Fourth kay Sue. Amin nito ay mula kinder daw ay may gusto na ang binata dito kahit kakakilala lang nila nung nasa elementary pa lang sila.

"Shut your mouth," inikutan lang siya ng mata ng dalaga bago lumayo. "Guys, tara na. Mamaya maabutan pa tayo ng mga guards dito. Gagabihin pa tayo doon."

"Sure bang hindi sasama si Yuah?" tanong ni Brandon.

"Oo nga, bahay pa naman nila 'yon. At baka maligaw pa tayo." Paninigurado ni Luis.

"Nasa akin ang mapa!" Itinaas ni Alex ang mapa na hawak niya.

"Galing mo naman, Dora." Pang-aasar ng mga lalaki sa nakakabatang kaibigan.

Napabunsangot si Alex dahil dito. Sanay na talaga siya sa mga asar ng mga lalaki, parang kuya niya na rin kase ito. Siya ang bunso sa kanilang magkakaibigan, kaya siya ang madalas asarin ng pito.

"Magsisakay na kayo. Tara na."

Lahat sila ay nagsisakay na. Maluwag sa loob at kasya silang dose. Si Ros ang nasa driver seat kasama sila Bry at Alex. Sa likod naman si Trina, Kian, PJ, at Sue. Kasunod naman ay sina Yuri, Mon, Brandon at Fourth. Si Luis ang nasa pinakadulo katabi ang mga gamit ng mga kaibigan. Nakipag-away pa ito dahil nasisiksik na siya sa dulo.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon