14: Where do good soul go?

10 4 0
                                    

14

Where do good soul go?


"Tama ba ako? Ah!"

Napahiyaw ako ng maramdaman ang sakit sa aking tiyan. Mukhang sa gutom 'to. Ipinasawalang bahala ko na lang at tumuloy sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mapahawak sa sarili dahil sa malakas na ihip ng hangin kasabay pa nang ulan.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad tanging liwanag sa itaas ang magsisilbing oras ko kung umaga na ba o gabi.

"Makakalabas ako." Muli kong sabi.

Ilang beses ko nga ba'ng sinasabi iyon sa sarili? Napatigil ako ng mapansing pamilyar ang lugar na pinuntahan ko. Nasa tabing dagat ako ulit ako. Parang pabilog ang daan na kanina ko pa tinatahak, nagdaan na ako dito kanina pa.

Pinili kong lumakad at dumaretso sa gitna. Walang katao-tao. Hindi pa rin siguro tumitigil ang mga naghahanap sa amin. Papatayin talaga nila kaming lahat... Patay na nga pala lahat ng kaibigan ko.

Natanaw ko ang kulungang kinalagyan namin nung hinuli kami. Kung saan pinatay rin si Kian, pinili niyang mamatay para makasama si Trina at itakas kami.

"Kian..." bulong ko ng makita ang katawan niyang nakahandusay. Wala ng buhay iyon.

Lalapit sana ako para kunin ang katawan niya at itabi. Nabubuhay na lang ba ako para itabi ang mga katawan nila?

Dali akong napatago sa puno at dahan-dahang umakyat sa sanga para magtago ng marinig ko ang boses nung sinasabing kapatid ni Aurora.

"Ubos na siguro sila," sabi niya sa kasama. May mga armas sila.

Isiniksik ko na ang sarili ng lumakad sila palapit sa katawan ni Kian. Namuo ang galit sa akin ng makitang ipinatong niya ang paa sa wala ng buhoy kong kaibigan. Mga hayop!

"Natira niyo ba ang isa?" Seryoso ang boses nito sabay taas noong tumingin sa itaas. Gaya ko ay basang-basa rin sila.

Sinong isa ang tinutukoy niya? Ako ba? Teka, parang may nalimutan ako... Si Yuri!

"Opo, boss. Pero dalawa sila nung mahuli, papatayin na ba namin ang lalaki bago dalhin dito ang babae?"

Itinigil niya ang pag-apak kay Kian at bumaling sa kasama. Ngumisi ito, "dalhin mo silang dalawa dito."

Tumango ito at mabilis na umalis. Ano bang mayroon sa isang 'to para ganito siya respetuhin ng mga uto-uto niyang kasama?

Nanatili ako sa aking pagtatago. Napakagat ako sa ibabang labi ng lumakas ang kulog kasabay ng kidlat. Hanggang ngayon puno pa rin ng galit ang langit, kahit ang langit ay nagagalit dahil sa pinaggagawa nila sa aming magkakaibigan.

Sa oras na makatakas ako dito gagawin ko ang lahat mahuli lang sila at makulong, kulong na kailanman hindi na sila makakalabas pa. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ay magagawa ko rin gawin sa kanilang ginawa nila sa mga kaibigan ko.

Nawala ako sa aking iniisip ng makitang bumalik na ang lalaki. Sa likod nito ay ang dalawa pang tauhan na may hila-hila. Si Ros at Bry!

"Bry..."

Buhay pa silang dalawa!

Ibinagsak nila ang dalawa sa harap ng tanginang bababeng tinatawag nilang boss.

"Magaling..." sabi niya at yumuko sa harap ni Bry, hinila ang buhok nito para makita ang mukha. "Hindi talaga mabilis mamatay ang masasamang damo." Pagkasabi ay sinampal ang mukha ni Bry.

Napasinghap ako. Gumagalaw si Bry, akala ko ay susugurin niya ang babaeng sumampal sa kaniya pero pinili niyang gumapang papunta kay Ros na nanghihinang nakahiga sa tabi niya.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon