3
Moment of Truth
"Is she okay?"
Lahat sila ngayon ay nasa sala at hinihintay si PJ na bumaba para malaman ang kalagayan ni Trina ngayon. Student nurse kase ito.
Hindi pa rin nakakabalik ang lima kaya sila-sila pa lang ngayon ang nakakaalam sa nangyari sa kaibigan.
"Tulad sa nakasanayan, may lagnat siya pero hindi naman ganoon kalala."
Napahinga sila ng maluwag.
"Hindi sanay mamahay si Trina, ganoon raw 'yon," sabi ni Brandon.
"Pero hindi naman ganiyan kalala. She passed out, kung dati nga tinatawanan niya pa ang pagsusuka niya," sabat naman ni Sue.
"Don't make it a big deal, Sue. It's just a fever," seryosong pagkasabi ni Yuri.
"Big deal sa akin ang kalagayan ni Trina. I saw in my eyes how scared she was." Tama si Sue, puno nga ng takot ang mukha ni Trina kanina at para bang may gustong sabihin sa kanila.
Natahimik na lang sila at hinintay na lang ang limang lalaki, mag-aalala si Kian sa oras na malaman niyang hinimatay si Trina. Todo pa naman ito kung mag-alaga sa kasintahan.
"Umuulan na, wala pa rin sila."
Napatingin sila sa labas, tama ang sinabi ni Alex, umuulan na nga. Wala pa namang payong dala ang mga lalaki, at isa pa, baka magkalagnat rin sila. Buti na lang laging handa si PJ, siya ang laging nag-aalaga sa mga kaibigan niya sa tuwing may mga sakit 'to.
"Oh! Kain muna tayo."
Binigyan sila ni Brandon ng tinapay, mahilig kase ito sa tinapay. Si Bry lang ang hindi tumanggap, ayaw niya sa pagkain kapag si Brandon na ang nagbibigay. Nung huling binigyan kase siya nito ay inuuod ang loob ng tinapay, halos mawalan ng buhay si Bry noon kakasuka kaya si Ros naman ay muntik ng patayin si Brandon. Pero lumipas rin ang araw ay nagkaayos-ayos rin sila.
"Walang uod 'yan."
Umiwas na lang ng tingin si Bry at lumabas.
"Ang sama ng ugali, ah?" Bulong ni Sue kaya siniko siya ni Alex. "Aw. Totoo naman!"
"Sue, pag narinig ka ni Bry malamang magkakagulo nanaman."
"Takot ka ba sa kaniya, Alex?"
Napatahimik si Alex at nagbaba na lang ng tingin sa tinapay na hawak. Hindi siya takot kay Bry, ayaw lang talaga ni Alex na magkaroon pa ng away. Dahil sa oras na mangyari 'yon lalayo nanaman si Bry sa kanila at iiwas, mauulit nanaman ang nangyari sa kanila nung huling taon.
"H-hindi ako takot sa kaniya, kaibigan ko si Bry at para na ring kapatid, ayoko lang ng away..." naluluhang sabi ni Alex kaya yinakap siya ni PJ.
Masamang tinignan ni PJ si Sue na ngayon ay nakabusangot, mainit talaga ang ulo nito kay Bry, pero tahimik naman siya tuwing si Bry na ang sasabat, hindi niya kaya ang walang prenong bibig nito.
"Tarantado!"
"Ang daming putek ni Mon! Hahah!"
"Ano 'yan tae?"
"Dugyot niyo!"
"Mga kahoy mahuhulog!"
Mukhang nand'yan na ang lima dahil sa ingay ng mga boses nito. Nasa labas si Bry kaya nakikita niya ang paghaharutan ng lima, parang mga bata itong nagtatampisaw sa ulan. Palihim napairap si Bry, hindi niya lubos maisip na nasa mga bente pataas na ang edad ng mga ito pero parang mga bata kung kumilos.

BINABASA MO ANG
Escape
Misterio / SuspensoMasaya kaming lahat, halos walang mali sa ginagawa namin. Sa sobrang saya namin hindi agad namin namalayan na nakatali na pala ang buhay namin sa bahay na iyon. Hinding-hindi na kami makakalabas... kung pwede man, kailangan namin tumakbo para habuli...