16: Little called Miracle

9 3 0
                                        

16

Little called Miracle


"Is she awake?"

"Maybe later she will, Clint."

"Mama, okay lang ba talaga si Ate?"

"Oo naman..."

"You're free..."

Napadilat ako ng mata sa bulong na narinig ko. Gising na ako kanina pero ayaw ko lang dumilat dahil nandito ang mga kapatid ko, manghihina lang ako sa oras na makita ko sila.

Unang bumungad sa akin ang puting kisame. Lumipat ang tingin ko sa paligid, halos lahat ay puti. Bumaling ako sa kamay na nakahawak sa kaliwa kong kamay, si Yuri ang nagmamay-ari non. Nakaupo siya habang ang ulo ay nakapatong sa isa niyang braso, natutulog siya.

Inabot ng kamay ko ang ulo niya para haplusin ang buhok niya. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil nandito siya sa tabi ko. Ang ibig-sabihin ay nakaligtas rin siya.

Habang haplos ang buhok niya ay naalala ko kung paano rin haplusin ni Bry ang buhok ni Ros bago sila tuluyang mawalan ng buhay. Nakahiligan niya talagang haplusin ang buhok ni Ros. Kahit ang huling salita niya rin kay Bry ay nananatiling nasa isip ko.

"Bry..."

Nagsimula nanaman akong mapaluha ng banggitin ko ang pangalan ni Bry. Pansin ko ang pag-angat ni Yuri ng ulo at nakakunot ang noo na sumulyap sa akin. Walang pasabing dali ko siyang yinakap at doon muling umiyak sa mga bisig niya.

"Hey, are you okay? May masakit ba sa'yo?"

Linabas ko lahat ng mabibigat kong nararamdaman. Nasasaktan ako sa nangyari sa mga kaibigan ko. Ayaw pumasok sa isip ko na wala na sila at pinatay sila ng mga tauhang kumuha sa amin.

"Shh.. It's okay. Don't cry, baby. I'm here. Hindi kita iiwan..."

Dahil sa mga sinabi ni Yuri ay dahan-dahan akong kumalma at huminga ng maluwag. Lumayo siya sa akin para abutan ako ng tubig.

***

Nang nakahinga na ako ng maayos ay napahawak ako sa kamay ni Yuri. Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kaniya.

Sa naransan namin napagtantuan kong madali lang mabuhay sa mundo pero mahirap gampanan ang pagiging tao. Ang kapatid ni Aurora at ang mga kasama pa nila. Hindi ko maiwasang magalit sa tuwing maaalala ko ang ginawa nila sa mga kaibigan ko.

"Everything is now okay, so, you can relax."

"Kailan babalik ang mga k-kapatid ko?"

Napababa ang tingin ni Yuri sa kamay ko, parang iniiwasang sagutin ang tanong ko.

"Nandito sila kanina. Kailan ulit sila babalik? Sinabi ba nila sa'yo?" tanong ko.

Rinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"They visited you two days ago. Wala ka pang malay non."

Napakunot ang noo ko at nagtataka sa sinabi niya. Kakarinig ko lang ng boses nila kanina. Dalawang arawna ang lumipas nung binisita nila ako? Ilang araw ba akong walang malay?

"I-ilang araw akong walang malay, Yuri?"

"Hindi ka nawalan ng malay. Every time you woke up, lagi kang nagwawala. They say that's the side effect of stress and trauma." Paliwanag niya.

Napatango ako at natahimik sa narinig. Hanggang ngayon iniisip ko kung ilang araw ba talaga kami nandoon sa lugar na yon para habulin ang buhay namin. Iniisip ko palang ang araw na iyon ay nasasaktan na ako dahil bawat oras araw ay may namamatay sa mga kaibigan ko. Wala man lang akong nagawa para sa kanila.

"I was with Mon when we left Brandon. He cries like a baby, but I do understand him cause Brandon is like a brother to us. Brandon's last words will remain fresh to me..."

Huling salita ni Brandon?

"Mon was the one who found the way out of that hell. We're about to go out but he refuses to come with me. Uulan na non at naalala ka niya, you hate rain. He ran away cause he wanted to save you." Hinaplos niya ang kamay ko at hindi nag-angat ng tingin sa akin. "I'm sorry... even those little things you hate I can't even manage to remember. I do feel like I'm a useless lover to you. I can't be like Luis who's being protected on you. I can't be Brandon who take cares of you. I can't be a man like any guys who's surrounding you..."

Nanatili akong tahimik at nakatingin kay Yuri na seryosong-seryoso sa sinasabi niya. Lahat ng iyon ay may malalalim na damdamin. Hindi ko alam ang sasabihin ko kase naiintindihan ko naman kung bakit pero malaking butas pa rin sa akin na ako ang mahal niya pero sa iba nakatungo ang pansin niya.

"Hindi mo naman kailangang mag sorry. N-napag-usapan na natin 'to dati... Sabi ko sa'yo ayos lang kase kaibigan ko rin naman siya. Okay lang sa akin..."

Unti-unti niyang inangat ang tingin niya sa akin. Nagulat ako ng makita ang nagbabadyang luha sa mga mata niya.

"This time, babawi ako sa'yo. I'll be a better man for you."

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. Sapat na iyon para mapagaan na ang damdamin ko.

***

"Ate!"

Napatalon ako sa aking kinakatayuan ng marinig ang pagtawag ng kapatid ko sa akin. Nagtataka akong lumingon kay Hiro.

"Bakit?"

"Hindi mo ako pinapakinggan. Kanina pa ako nag te-tell ng story, e."

Hindi ko pala namalayang nawala ako sa huwisyo habang nagliligpit ng gamit dahil sabi ng doctor ay pwede na daw akong makauwi sa amin.

"Sorry, baby... Marami kaseng iniisip si ate."

"I understand naman po," magalang niyang sabi. Pinisil ko ang pisngi nito at kinarga.

Si Hiro ang pinakabunso sa tatlo kong mga kapatid. Isang taong gulang lang siya nung umalis ako ng probinsya kasama ang kapatid ko na si Clint papunta sa Manila. Sa walong taon kong paninirahan dito sa Manila ay ngayon ko lang ulit makikita ang dalawa kong kapatid.

"Ate, ready na daw ang sasakyan!" Sigaw ni Xyrus.

Binaba ko na si Hiro at kinuha ang bag pero nagulat ako ng hablutin 'to sa akin ni Clint. Nakakunot ang noo nitong sinasabit ang bag sa balikat at hinawakan ang kamay ni Hiro. Papalabas na sana siya ng pinto kaso lumingon muna ito sa akin, masama ang tingin.

"Mag-ingat ka next time..." Tumigil ito na parang may maling nasabi, "wala na pa lang next time."

Mas matanda ako ng limang taon kay Clint pero kung makakilos ito ay akala mo siya ang pinaka panganay sa lahat.

Nang makalabas na silang tatlo ay sumunod na rin ako. Pagkalabas ko palang ay humarang agad si Yuri sa daan ko. Akala ko ba nakauwi na siya kase pinilit siya ni mama na magpahinga muna?

Pansin ko ang pagkalito nito.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko.

"She's awake."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya na hindi ko maintindihan. Ngunit ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Sa isa ko pang tanong doon na tuluyang nanlamig ang katawan ko at kulang nalang ay tumamba na ang katawan ko sa lapag.

"S-sinong gising na?"

"Gising na siya... Gising na si Bry."

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon