10: Friends

13 5 1
                                    

10

Friends Forever

Alecsandra's POV


"Luis, hanapin na natin sila."

Kanina pa kami ni Luis nagtatago dito sa puno. Hindi pa rin kami umaalis sa yakapan, kung pwede lang hindi umalis ay gugustuhin kong magtagal dito. Pero malapit ng mag liwanag, may pag-asang makita kami ng mga kalaban.

"Luis, silipin mo kung may tao pa..."

Hindi ako makasilip dahil nasa ilalim ako ni Luis, tinatago niya ako. Nakapatong ang ulo niya sa ulo ko, habang ako ay nakasandal sa dibdib niya.

Naalala ko nung sinabi ni Mon sa akin na may gusto daw si Luis sa'kin, siya rin ang nagpapadala ng mga kape at tinapay sa akin sa tuwing maaga akong pumapasok para magbantay sa library. Nainis pa nga ako kase bakit si Mon pa ang nagsabi kung pwede namang siya na lang, sabi ni Mon hindi daw kaya ni Luis at baka masira pa daw ang pagkakaibigan namin.

Tiniis kong pigilan ang sarili kong tanungin kung sino 'yung babaeng sinasabi niyang nagugustuhan niya nung nasa Cavite kami last year, ano bang mapapala niya sa akin sa oras na sagutin niya ang tanong na 'yon? Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya.

"Luis..." Muli kong pagtawag.

Idiniin ko ang sarili ko sa dibdib niya. Naiyak ako dahil wala akong maramdamang tibok mula doon. Bakit hindi ko man lang namalayan?

Nag-agat ako ng tingin kay Luis at nakita kong mahimbing ang pagkakapikit niya, para siyang anghel na natutulog. Idinikit ko ang ulo ko sa noo niya at tuluyan nang umiyak, hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"I'm sorry... Luis... Hindi ko man lang napansin..." Hagulgol ko at yinakap siyang mahigpit.

May nahawakan akong basa sa likod niya, nang silipin ko ang kamay ko nakita kong puro dugo 'yon. Mas lalo akong naiyak habang yakap siya. Bumabalik sa akin lahat kung paano ko siya nakilala ay kung paano niya ako pinakilala sa kaibigan namin.

"Isauli mo 'yan! Hoy bata!"

Papasok pa lang ako sa school gate at biglang may humablot sa bag ko. Tinaasan pa ako nito ng gitnang daliri. Maraming nakakita non pero hindi nila ako tinulungan, ang iba pa nga ay tumatawa.

Nasa ikawalong baitang ako ngayon, bagong lipat lang rin ako kaya wala pa akong nakikila at nagiging kaibigan. Unang araw ko pa lang makukuhanan na agad ako!

Hinabol ko ang bata na halos nakalayo na kami sa school, siguro nasa paradahan na kami ng mga sasakyan ng mga estudyante. Napatigil ako nung tumigil siya dahil sa lalaking kakababa pa lang ng motor niya. Natakot ang bata dahil may sinabi ito sa kaniya kaya tumakbo na rin ito palayo.

Lumapit 'yung lalaki sa akin at inabot ang bag ko, nagpasalamat ako dito at akmang tatalikod na pero pinigilan niya ako.

"Sandali, Miss."

Lumingon ako sa kaniya, "Bakit po?"

Humawak siya sa batok niya at ngumiti sa'kin.

Ano bang kailangan niya?

"Ako nga pala si Angelo, Luis nalang for short. Ikaw?"

Ilang akong napangiti bago makasagot, "Alex pangalan ko."

"Bagong transfer? Ngayon lang kita nakita dito. Anong section mo?"

Normal bang maging friendly ang mga taga maynila? Parang hindi siya napapagod sa kakangiti.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon