"Scars has been healed. Nightmare is now over. Souls already rest peacefully. And Justice will be here forever."
***
EPILOGUE
"Hindi ka ba dadalaw man lang sa mga kaibigan mo?"
Napatingin si Alex sa nanay niya. Apat na araw na siyang nakakulong sa kwarto niya simula nung makalabas siya sa hospital.
Alam niyang darating ang araw na kailangan niya ng mamaalam sa mga kaibigan niya dahil ito nalang ang huling araw na makikita niya ang mga ito.
Sa apat na araw na iyon ay pakiramdam ni Alex wala pa siya sa isang oras na nakakulong. Dahil na rin siguro sa naranasan niya sa Baguio.
Hindi siya nakakatanggap ng tawag mula kay Yuri dahil abala ito sa mga kaibigan nila. Iniisip niya rin kung nakakapagpahinga pa ba ang isang iyon dahil wala siyang lakas ng loob para tawagan o padalhan man lang ito ng mensahe.
"Wala po akong ganang lumabas."
Ayan lagi ang sagot niya sa tuwing tatanungin siya kung balak niya bang bumisita man lang sa mga kaibigan.
Umupo ang nanay niya sa kama kung saan siya nakahiga. Hinawakan nito ang kamay ng anak.
"Kung sa mga schoolworks may deadline, ang buhay ay mayroon rin, anak."
Napaangat ang tingin ni Alex. "Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Mahirap pagsisihan ang huling araw." Ngumiti ito sa anak, "sasamahan kita. Tumayo kana d'yan."
Walang nagawa si Alex kundi ang tumayo at magbihis ng damit. Naintindihan niya rin ang sinabi ng kaniyang nanay, alam niyang nagsisisi rin ang nanay niya sa huling beses na binigyan niya ito ng pagkakataon na maging ina sa kanila pero nabigo ito noon.
Alecsandre's POV
Pagkatigil ng sasakyan ay lumabas agad si mama at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Napahinga ako ng malalim bago bumaba. Bumungad sa akin ang napaka gandang bahay. Ang bahay kung saan minsan na naming magkakaibigan tinirahan, ang funeral house na pagmamay-ari ng pamilya ni Ros.
Dumeretso kami sa loob. Nakita ko ang mga iba't-ibang tao na nandidito sa parang sala. Ang iba dito ay ibang kaibigan at kasaping pamilya ng mga kaibigan ko. Mga bakas sa mukha nila ang pagdadalamhati at sakit.
"Alex..."
Napalingon ako sa taong tumawag sa akin, si Yuri. Tumingin ako kay mama at tumango lang ito. Lumakad ako papalapit kay Yuri.
"Nasaan sila?"
Hinawakan ni Yuri ang kamay ko at hinila papalayo doon. Alam ko na kung saan niya ako dadalhin. Umakyat kami sa second floor. Tumambad sa amin ang malawak na hallway at sa gilid nito ang malalaking glass door na nakabukas.
Kumapara sa dami ng tao sa baba, kakaunti lang rin ang nandito. Tanging mga magulang lang ng mga kaibigan ko ang nandito.
"May kukunin lang ako sa baba." Paalam ni Yuri bago umalis at iniwan ako.
Lumakad ako papasok doon. Nakita ko ang sampung puti na kabao. Mga nakahilera 'to.
Hindi ko sila magawang silipin. Ayoko silang tignan, natatakot ako. Natatakot akong bumalik nanaman ang alaala kung paano sila pagpapatayin ng mga hayop na 'yon. Hindi sapat ang paghuli sa kanila matapos gawin 'to sa mga kaibigan ko.
Napasulyap ako sa mga magulang ng mga kaibigan ko. Ang nanay ni PJ na halos humiga na sa lapag kakaiyak. Ang lola ni Luis na nakaupo sa wheelchair habang nagdadasal at katabi nito ang kapatid niyang si Louise. Ang magulang ni Ros na magkayap na umiiyak. Ang sundalong papa ni Brandon ay umiiyak rin, ang sabi pa naman niya noon hindi daw umiiyak ang papa niya kase malakas daw ito. Kahit ang dean na lolo ni Yuri, Yuah at Ros ay nakatulala nalang sa isang tabi.
BINABASA MO ANG
Escape
Mystery / ThrillerMasaya kaming lahat, halos walang mali sa ginagawa namin. Sa sobrang saya namin hindi agad namin namalayan na nakatali na pala ang buhay namin sa bahay na iyon. Hinding-hindi na kami makakalabas... kung pwede man, kailangan namin tumakbo para habuli...