7
Seen the Sin
"Okay na ba lahat?"
"Si PJ na lang wala pa, sinamahan niya 'yung caretaker."
"Bakit daw?"
Nagkibit balikat nalang si Trina at pinagpatuloy ang pagkain sa lollipop. Nandito na sila ngayon sa loob ng sasakyan ni Ros, paalis na sana sila kaso wala pa si PJ.
Maya-maya lang ay palapit na si PJ sa kanila, panay ang lingon nito sa paligid.
"Anong meron?" tanong ni Luis.
"Hinahanap ko anak ni Aling Heden, kagabi pa daw kase nawawala."
Kumunot ang noo ni Mon, "Sinong anak? babae ba o lalaki?"
"Babae."
"Ayun ba 'yung babae na parang may sakit? Nakita ko siya kahapon pagala-gala." Si Kian ang sumagot.
"Si A-aurora nakita mo?" tanong ni PJ na lumaki pa ang mata.
Si Bry na tahimik na nakaupo sa harap ay mabilis na napatingin sa labas, nagkatinginan sila ni Brandon at mabilis ring nag-iwasan.
"Aurora ba 'yon? Oo ata pero kahapon ko pa siya nakita."
Malungkot na napatango si PJ bago sumakay, lahat sila ay nagsisakayan na at nag-umpisa na ring paandarin ni Ros ang sasakyan.
Tahimik ang naging byahe, ni isa sa kanila ay naduduwag magsalita. Hindi pa rin kumikibo si Bry sa kanila. Kahit nakabalik na sila sa maynila ay hindi pa rin ito kumikibo, wala siyang gana magsalita. Parang babagsak ang isipan niya sa oras na magsalita siya.
"Bry!"
Tumigil sa paglalakad si Bry ng marinig si Alex na tumatawag sa kaniya, napahinga siya ng malalim bago harapin ang kaibigan. Isang buwan na rin ang lumipas pero wala pa rin siyang balak kausapin ang iba, si Alex lang din naman ang lumalapit sa kaniya. Si Ros naman ay iniiwasan niya na rin, napag-isipan niya na ring putulin ang ugnayan nilang dalawa.
"May klase ka. Bakit ka nandito?"
"Nakita kase kita," humawak ito sa braso niya. "Galit ka pa rin ba?"
Umusbong ang galit ni Bry at nakita iyon ni Alex sa mata niya. Galit si Bry, pero hindi sa kanila kundi sa sarili niya. Pakiramdam niya nakakadiri siyang tao dahil sa maling ginawa niya nung nasa Cavite sila, gabi-gabi rin dumadalaw sa panaginip niya si Aurora na umiiyak.
"Wala akong ginawa." Wala sa sariling sambit ni Bry.
"A-ano?"
Napaayos ng tayo si Bry at matapang na hinarap ang kaibigan.
"Bumalik ka na sa klase m-"
"Bry!"
Napalingon silang dalawa kay Ros na papalapit. Kasama nito si Brandon, Yuri, Mon, Luis at Fourth. Nabalitaan niyang nagka-ayos na ang dalawa.
"Bakit kayo nandito?"
"Ito kaseng si Brandon hihingi ng tawad." Tinulak ni Mon si Brandon.
Pilit na hindi tinitignan ni Brandon si Bry sa mga mata, bumabalik sa alaala niya nung araw na makita niyang may katawan na hinulog si Bry sa tulay at may hawak siyang patalim. Kung paano rin siya pagbantaan ng kaibigan.
"Pinatay mo siya..."
"Mali ang iniisip mo!" Mabilis na tinapon ni Bry ang patalim at lumapit sa kaibigan, "Hindi ko siya pinatay, Brandon! Pinatay niya sarili niya!"
![](https://img.wattpad.com/cover/263384492-288-k185791.jpg)
BINABASA MO ANG
Escape
Mystère / ThrillerMasaya kaming lahat, halos walang mali sa ginagawa namin. Sa sobrang saya namin hindi agad namin namalayan na nakatali na pala ang buhay namin sa bahay na iyon. Hinding-hindi na kami makakalabas... kung pwede man, kailangan namin tumakbo para habuli...