13: No Pain Anymore

11 3 0
                                        

13

No Pain Anymore


Sumiklab nanaman ang malalakas na kulog. Hinawakan ko ang rosaryo sa leeg ko at humiling doon. Nakaupo ako ngayon sa harap ng katawan ni Mon. Binaba ko ang katawan niya kanina.

"Raymond, you've been through a lot of pain. I remembered the day you supposed to kill yourself..." Paumpisa ko. "Nalaman ko ang pinagdadaanan mo. Naging depressed ka dahil akala mo iniwan ka ng lahat kase iniwan ka rin ng magulang mo. I know that pain, Mon, i also went there. Kung saan pakiramdam ko wala na akong malalapitan, pero dumating kayo. I'm very thankful to Luis, he let me met you." Humikbi ako sandali, hinayaang lunurin ang sarili sa ulan.

"Please... sabihin mo kay Luis na malaki ang pasasalamat ko sa kaniya..." natandaan ko kung paano ako itago ni Luis sa mga bisig niya kahit siya itong may tama na. Wala siyang ibang inisip kundi ang samahan at bantayan ako kahit ayun na ang huling minuto niya sa mundo.

"Kapag nakita mo si Trina, sabihin mong ang ganda niya kahit sakitin siya." Si Trina ang pinakamaganda sa grupo ngunit kabaliktaran naman iyon sa kalusugan niya. Sabi ni Yuah sa akin nung inanunsyo ni Trina at Kian ang relayon nila ay hindi siya nagalit, sakitin si Trina at kailangan niya si Kian kaya nagawa niyang magpaubaya. "Kapag si Kian naman makita mo ay sapakin mo agad. Siya ang kumuha ng brief mo nung may practice ka sa basketball kaya ayun, pumasok ka sa klase mo na bakat na bakat..." mabilis akong napailing nung maalala ang pangyayari. "At sa iba naman nating kaibigan... Sabihin mong mahal ko sila. Mahal na mahal..." doon nanaman ako naiyak.

Sila dahilan kung bakit hindi ko na nararamdaman na mag-isa nalang ako sa mundong'to. Pinaramdam nila sa akin ang mga bagay na kulang sa buhay ko. Kahit maliit na bagay nagmimistulang malaki na sa akin 'yon. Ngayong wala na sila, paano nalang ako? Magkakaroon nanaman ba ng kulang sa buhay ko?

Ngunit ayokong magsisi sa huli. Ayokong mauwi lang sa wala ang pagsasakripisyo nila.

"Tatapusin ko ang lahat. Samahan niyo ako, makakatakas ako dito..."

Pagkatapos non ay nagmadali na akong umalis na may mabibigat na damdamin.

Hindi ko na alam kung nasaang parte na ako ng tinatakbuhan, naliligaw na yata ako. Kung saan-saan na ako dumaan kahit mali ang direksyon na tinatahak ko. May nakaharang na putol na sanga, hindi ko nakita 'yon kaya nadapa ako.

Sinilip ko ang tuhod ko, may sugat na sumilip doon kulang nalang ay magsilabasan na ang dugo. Hindi ko ramdam ang sakit, wala akong maramdaman.

"Ganito pala pakiramdam na maging manhid." Biro ko sa sarili. "Sugat lang 'to. Bakit ako iiyak?"

Pumunit ako ng tela sa damit ko. Binalot ko 'yon sa sugatan kong tuhod.

"Tss. Sabi ni Luis delikado daw." Lumakad na muli ako.

"Saan kayo?"

Napatigil kami ni Louise, kapatid ni Luis. Para kaming batang tumatakas sa bahay para lang makapaglaro sa labas.

"At kailan pa kayo naging magkaibigan?" may sungit ang pagkatanong ni Luis.

"It's none of your business." Inis na sabi ni Luoise sa nakakatandang kapatid.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko."

Napatayo ako ng maaayos ng tumama ang tingin ni Luis sa akin, hinihintay ang magiging sagot ko sa kaniya. Sumulyap ako kay Louise na naiirita na sa tabi ko.

"Yinaya niya ako mag basketball," sagot ko.

"Kababae mong tao tapos basketball lalaruin mo?"

"Hey! Basketball never say boys only can play them, of course girls too! There's no fair in this world if a man like you that have that kind of mindset exist." Inis niyang sabi at lumabas na, "Alex, tara na!" Sigaw niya mula sa labas.

Napakagat ako ng labi at pilit ngumiti kay Luis. Tama naman ang sinabi ni Louise.

"I just say that to know her safety..." Bulong niya, "Ikaw rin, mamaya masaktan ka habang naglalaro. Delikado pa naman ang bola, delikado rin ang sugat na makukuha mo..."

Lumalakad ako na parang walang nangyayaring masama sa'min dito. Parang walang namatay sa mga kasama ko. Parang hindi nabawasan ang mga mahal ko sa buhay.

Napatawa ako ng malakas. Tawa na parang nanalo ako sa kung ano. Tawa na akala mo tuluyan na akong nakatakas sa impyerno na 'to. Ito ang nararamdaman ko ngayon. Ang saya-saya ko! Ang saya ko!

Makakatakas ako dito...

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon