5: Not Today

14 5 0
                                    

5

Bry's POV


Nagising ako dahil sa lakas nang silaw pero hindi iyon galing sa araw, kundi sa ilaw mismo. Kinusot ko ang aking mga mata bago tuluyan imulat 'yon, nagulat ako dahil wala kami ngayon sa loob ng bahay. Nandito kami sa tabi ng dagat kung saan namin itinayo ang bonfire. Nasa loob kami ng kulungan kung saan gawa ito sa kawayan at may ilaw na nakatutok sa amin ngayon.

Tinignan ko ang mga kasama ko, wala silang mga malay. Nakapatong ang ulo ni Ros sa balikat ko, sa kabila naman ay si PJ. Nandito rin si Kian, tulad kanina ay puno pa rin ng bugbog ang mukha niya.

"Ros..." mahina kong paggising dito.

May mga nagtatawanan sa labas, malayo-layo sa amin 'yon, mukhang nagkakasiyahan sila.

Tangina!

"Ros!" muli kong tawag.

"Hmm... Bakit?"

Inayos ko ang katawan ko at hinarap siya, nanlumo ako nang makitang may pasa sa gilid ng labi niya. Kakagaling lang ng mga nakuhang pasa niya nung isang araw tapos ngayon may bago nanaman. Yinugyog ko siya pero ayaw niya pa ring dumilat.

"Huwag mo siyang galawin masyado."

Napalingon ako kay Mon sa likuran ko, hirap itong umayos ng upo. Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang tiyan. Mukhang may ginawa sila sa mga kaibigan ko habang tulog kami.

"Anong ginawa nila?" tanong ko dito pagkalapit sa kaniya. Tinignan ang kalagayan niya.

"Nanlaban kami kanina... Si Ros ang napuntirya nila kaya pumagitna kami."

Napakagat ako sa labi at muling bumalik sa pwesto ko para gisingin si PJ, at ang iba. Kinulong nila kami dito.

Sino ba sila? At bakit parang ang laki ng mga kasalanan namin sa kanila para gawin sa amin 'to? Wala silang mga awa!

"Nasaan tayo? Fourth!"

Ginising-gising ni Sue si Fourth pero gaya ni Ros ay hindi ito dumidilat, umiyak si Sue dahilan nang pagkagising nina Alex, Yuri at Kian na nahihirapan.

"Bakit tayo nandito?" naiiyak na tanong ni Alex.

"T-trina..."

Halos maluha ako nang makita ang dugong lumabas sa bibig ni Kian nang banggitin niya ang pangalan ni Trina, hindi ko kayang makita ganito kalagayan ng mga kaibigan ko.

"Who are they?" tanong ni Yuri habang sinisilip ang mga tao sa labas.

"S-sila 'yung kumuha... Nasa kanila si T-trina..." Muling sabi ni Mon.

"Si Trina... Pumasok sila sa kwarto namin at kinuha siy–"

"Shh. Makukuha rin natin siya," sabi ko para mapatigil si Kian sa pagsasalita.

Nanahimik kami sandali at pinakiramdaman ang paligid. Hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil ang mga tao sa labas na magkasiyahan. Si Alex at Sue naman ay panay iyak, gusto ko ring maiyak pero hindi tamang gawin ko 'yon lalo na nasa ganito kaming sitwasyon. Hindi namin kilala ang mga taong kumuha sa amin.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsigising na ang iba, si PJ ay halos mahimatay muli dahil sa kalagayan ni Brandon na may saksak sa bewang. Wala sila sa magandang lagay ngayon. Naramdaman ko ang unting paggalaw ni Ros.

"Kailangan nating makaalis dito." Matapang na sabi ni Fourth.

"Paano? Binutas nila ang gulong ng sasakyan, at nasa kanila si Trina!" Sagot ni Luis.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon