11
Two Choices in Life
"Alex..."
Naiyak ako ng malaman kung kanino galing ang boses na 'yon, hinarap ko siya at doon umiyak nang tuluyan. Agad rin akong napatigil ng marinig kong bumukas ang pinto at may pumasok doon.
"Wala namang tao."
"Tignan mo lang!"
Rinig ko. Malapit lang sila sa amin. Umabot dalawang minuto bago sila lumabas, hindi nila sinarado ang pinto. Sinilip ko sila at nandoon sila lumalayo sa pinto.
"Nasaan ang iba?" Mahinang tanong ni Bry.
"P-patay na si Luis at Brandon. W-wala na rin sila, B-bry."
Napakagat siya ng labi niya at may luhang pumatak mula sa mata niya, "W-wala na rin si F-fourth, winatak ang dibdib niya."
Wala na si Fourth?
Naiinis at nagagalit ako pero ano bang magagawa ko? Marami silang armas, kaya nila kaming ubusin. Ayokong dito ako mamatay, ayokong ito lahat kahahantungan ng mga kaibigan ko.
Sandali kaming natahimik ni Bry, tinitignan ko siya. Maga ang mata niya pero kahit ganoon ay hindi pa rin nawawala ang ganda sa mukha niya.
"Si Ros, lagi ka niyang pinagtatanggol kay Sue." Pagtigil ko sa katahimikan.
Nakita ko ang maliit na ngiti sa labi niya.
"Nahuli mo kami dito." Natatawa niyang sabi.
"Mahal mo siya?"
Nagtama ang mata namin, walang galit 'yon. Sapagkat puno ng lungkot at pagod, puro kami takbo. Hinahabol namin ang buhay namin.
"Sobrang-sobra." Basag ang boses niyang pagkasabi.
"Kikiligin 'yon kapag narinig ka. Kapag lagi ka niyang kinekwento sa'mi–"
"Lagi?" Kumunot ang noo niya.
"Matagal na naming alam, Bry."
Natigilan siya at umiwas, may malalim na iniisip. Sabi ni Ros ayaw ni Bry ipaalam sa 'min ang relasyon nilang dalawa dahil iniisip niyang mandidiri kami, hindi niya alam na sobrang saya namin nung malaman 'yon. Kahit si Sue ay kinilig, suplada siya kapag kaharap si Bry pero kapag nakatalikod ay nagsisisi siya sa mga masasamang salitang binitawan niya.
"Tumakas na tayo." Sabi niya.
Sumilip muli ako sa labas at nakitang nandoon pa ang dalawa. Nagliliwanag na rin ang langit, hudyat na umaga na.
"Paano?"
"Haharangan ko sila."
"Baliw ka ba, Bry? Paano kung mapahamak ka."
"Mababaliw talaga ako kapag hindi tayo nakatakas dito."
Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi para mapatingin sa kaniya.
"Makinig ka, Alex. Kailangan mong makatakas dito, humingi ka ng tulong," seryoso niyang sabi. "Bumalik ka doon malapit sa dagat, dumeretso ka lang. May nakita akong daan doon."
"Hindi kita pwedeng iwan dito."
"Tangina, sumunod ka na lang."
Lumabas ang galit niya sa mata, kaya napatango nalang ako bigla. Hindi maganda ang kalalabasan nito dahil sa init ng ulo ni Bry, linalagay niya sa pahamak ang sarili niya.
"Papahabulin ko sila sa akin, doon kana tumakbo paalis. Naiintindihan mo?"
Tumango ako. Bago pa siya makatayo ay hinila ko ang kamay niya, masama ang tingin niyang bumaling.

BINABASA MO ANG
Escape
Mystery / ThrillerMasaya kaming lahat, halos walang mali sa ginagawa namin. Sa sobrang saya namin hindi agad namin namalayan na nakatali na pala ang buhay namin sa bahay na iyon. Hinding-hindi na kami makakalabas... kung pwede man, kailangan namin tumakbo para habuli...