9: Save Yourselves

11 4 0
                                    

9

Save Yourselves


"Tangina, bilisan na natin!"

"Hindi ko na kaya!" Sigaw ni Brandon habang nakahawak sa bewang niyang dumudugo.

"Pare, hindi ka pwedeng sumuko."

"Fight, Brandon. This is not the right time to give up."

Bigla na lang napahiga si Brandon, bakas sa mukha niya ang sakit at pagod. Itatayo na sana siya ng dalawa pero inawat niya ito.

"Hanggang dito nalang ata ako." Hirap nitong sabi, bumulwak na ang sugat niya.

"Gago, hindi pwede!" Inis na sabi ni Yuri.

"Oh..." Muling humapdi ang sugat nito. "You speak tagalog na... Sh*t!" Sinabayan pa nito ng pagtawa.

Nakatingin lang ang dalawa sa kaniya kaya tumigil siya sa pagtawa. "Umalis na kayo..."

"Hindi, tangina ka. Tumayo ka d'yan tropa tayo at hindi ka pwede mamatay." Naluluhang sabi ni Mon, "Gagawa pa tayo ng broken hearted club."

"Mamamatay na ako nagawa mo pang magbiro."

"You can't die, Brandon. Don't give up easily... Sugat lang 'yan!"

Lumapit si Yuri para sunsutin ang sugat ng kaibigan. Napasigaw tuloy si Brandon sa hapdi nito.

"Kagat lang ng Dinosaur 'yan sa'yo kaya tumayo ka na," sabi ni Mon.

Napangiting tumngin si Brandon sa itaas, ang madilim na langit na maya-maya lang ay liliwanag na.

"You need to be a Lawyer with her, Yuri..." mahina niyang bulong. "And, of course, Mon, magiging mahusay kang pulis na matulis. Kaya habulin niyo ang buhay niyo para sa pangarap niyo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay isang tahimik ang bumulabog sa dalawa. Naluha silang makitang nakatingala na lang si Brandon sa taas at wala ng kabuhay-buhay ang mata nito. Patay na si Brandon.

"And, you will be our greatest guardian angel..." Sabi ni Yuri.

Lalapit sana sila dito pero may narinig silang paparating kaya dali na silang lumisan. Iniwan ang dilat pero walang buhay na katawan ni Brandon.


"May tindahan malapit dito. Nadaanan niyo naman ata 'yon?" tanong ni Yuah.

"Oo, pinagkatanungan pa nila Alex 'yon."

"Kailangan natin humingi ng tulong sa kanil–"

"Paano naman 'yung mga kaibigan natin dito?" Inis na sabi ni Ros.

Nandito sa ngayon ang tatlo sa loob ng bodega na nabuksan ni Yuri, dito nila naisipang magtago.

"Babalikan natin sila." Sagot ni Yuah. "Gagawa ako ng paraan!"

"Hindi natin sure kung mababalikan pa natin sila dahil sa oras na lumabas tayo dito malamang papatayin nila agad tayo."

"Hinaan mo boses mo, Ros. Maririnig nila tayo." Pag-awat ni PJ sa galit na kaibigan. "Kailangan natin mag-isip ng maayos para makalabas dito."

Natahimik silang tatlo at nag-umpisa nang mag-isip ng paraan. Kagat ni PJ ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang dalawang kaibigan na gumagawa ng plano, alam niyang malabo ng makaalis pa dito. Tama si Ros, isang hakbang lang palabas ay mamamatay agad sila. Kaya nakaisip agad ng plano si PJ, planong hindi nagugustuhan ng dalawa.

"Tara na." Mabilis na lumakad si PJ at hinawakan ang pinto.

Kumunot ang noo ng dalawa, si Yuah ay takang lumapit kay PJ.

"Anong plano mo?"

Nakangiti siyang hinarap ni PJ, "Basta tumakbo lang kayo agad pagkalabas nitong bahay. Don't ever look back," bumalik ang tingin niya sa pinto upang hindi makita ang luhang tumakas sa mata niya.

"Kung ganoon, tara na bago pa nila tayo makita." Sabi ni Ros at dinampot ang isang baril na nakuha niya kanina.

"Marunong ka bang gumamit niyan?" Tanong ni Yuah.

"Hindi pero marunong ako umasinta."

"Ang yabang mo, buti nagustuhan ka ni Bry." Asar ni PJ at tumawa, gusto niyang pigilan ang iba pang luha.

Napatigil si Ros nang banggitin ni PJ si Bry, nakalimutan niyang hilain si Bry kanina. Nag-aalala siya para sa babaeng mahal niya.

"Hindi niya ako gusto... Mahal niya ako."

Binuksan na ni PJ ang pinto, sinilip ang bawat gilid at wala silang nakitang kalaban. Nagmadali na sila, si PJ ay nagpapahuli sa dalawa. May narinig silang sigaw, gaya ng sinabi ni PJ hindi sila lumingon doon. Nang makarating sa bukas na gate saka lang sila napalingon kay PJ na nahuhuli sa pagtakbo, nagtaka sila ng sa ibang direksyon 'to dumaan, sa may mapupunong daan.

Hahabol sana si Yuah para puntahan pero inawat siya ni Ros, alam ni Ros ang gustong iparating ng isa. Iaalay niya buhay niya para makatakas silang dalawa. Sinundan siya ng nananakbo, bigla nalang sila nakarinig nang sunod-sunod na putok ng baril.

"Ros, si PJ..." Iyak ni Yuah.

Hinihila niya na ngayon si Yuah papalayo, pinipigalan niya ang pag-iyak. Sinakripisyo ni PJ ang buhay niya para sa kanila, kailangan nilang makatakas dito.

Marami nang nawala. May susunod pa ba?

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon