2
Secrets That Not Meant To Hide
Alecsandre's POV
"Okay rin 'to, 'yung last year kase ang pangit nung napuntahan natin."
Abala kami ngayon sa pagliligpit namin ng mga gamit dito sa kwarto. Dalawa ang kama na mayroon kami. Sa isang kama doon mahihiga sina Sue at Trina, kaming tatlo ni PJ at Bry naman ang magkakatabi sa isang kama na malawak.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin ni Bry, umiiwas siya sa akin. Nalulungkot ako sa tuwing ganiyan siya, siguro mali talaga ang mapa na nabigay ni Yuah sa akin at baka pati siya ay nagkamali sa pagbigay.
"By the way, Alex!"
Napatingin ako kay Sue na tumawag sa akin, tinataas baba nito ang kaniyang kilay.
"Last year nagdagdag si PJ ng game na every time na umaalis tayo para mag camping may confession na magaganap..."
Alam ko na agad ang gusto niyang iparating. Bawat taon ay lagi kaming may camping, napagkasunduan namin 'yon nung natapos kaming lahat sa junior high school. Parang daan namin 'yon upang tumagal pa ang pagkakaibigan namin.
"...kaso hindi ka nag confess." Patuloy niya.
"Hindi lang naman si Alex ang hindi nag confess. Si Bry rin naman at ako," singit ni PJ.
"E, ikaw, PJ? May natitipuhan kana ba isa sa mga boys?"
"Wala." Nakangiwi niyang sagot at parang hindi pinagisipan ang tanong ni Sue.
"Ano ba 'yan!" Muling humarap si Sue sa akin at nang-aasar ang ngiti.
"Mag confess ka na kase kay Ros."
Pagkasabi non ni Sue ay nalaglag ni Bry ang isang base, buti nalang hindi nabasag 'yon.
"May gusto ka kay Ros?!" Gulat na tanong ni PJ ngunit pansin kong peke ang pagkakagulat niya.
Hindi ko maintindihan ang tanong nila, paano ako nagkaroon ng gusto kay Ros? At bakit naman naisip ni Sue ang bagay na 'yon?
"Of course. But there's nothing wrong if you express your feelings, I mean your secret feelings. Wala namang mawawala," nakangiting sabi ni PJ.
"Tama. Saka balak ko na rin umamin kay Fourth."
Gulat naman kaming napabaling kay Sue. Tama ba ang naririnig namin? Parang kanina pinagtatabuyan niya si Fourth sa tuwing aalalayan siya nito.
"Na e-excite ako para bukas. Thankful talaga ako kay PJ na naimbento niya 'yon!"
"Syempre." Humarap si PJ kay Bry na ngayon ay nag-aayos nang mahihigaan, "How about you, Bry?"
Napalingon rin ako kay Bry, tinignan niya ako sa mata at bilis na umiwas. Wala pa rin siya sa mood magsalita.
Maganda si Bry, kaso hindi siya tulad ng ibang babae. Lapitin siya ng mga lalaki, halos lahat ata nang kaibigan niya ay lalaki maliban sa'min. Hindi ko nga lang alam kung kaibigan rin ba ang turing niya sa akin.
"Matulog na tayo."
Nagsihigaan na kami, sa gitna namin ni Bry si PJ. Hindi namin pinatay ang ilaw, baka mag sigaw si Trina pagkagising, takot siya sa dilim. Siguro tulog na rin ang mga lalaki kase wala nang ingay sa tabi. Mas pinili ko na ring ipikit ang mga mata ko.
Hindi ako makatulog ng maayos kaya napabangon ako sa kinahihigaan ko, kinuha ko ang relos sa ibabaw ng lamesa na nasa tabi ko. Tatlong oras lang pala ang tulog ko. Napabuntong hininga ako. Inisa-isa kong tinignan ang mga kasama.
![](https://img.wattpad.com/cover/263384492-288-k185791.jpg)
BINABASA MO ANG
Escape
Mystery / ThrillerMasaya kaming lahat, halos walang mali sa ginagawa namin. Sa sobrang saya namin hindi agad namin namalayan na nakatali na pala ang buhay namin sa bahay na iyon. Hinding-hindi na kami makakalabas... kung pwede man, kailangan namin tumakbo para habuli...