8
Sacrifice
"Paano ka nila kinuha, Yuah?" tanong ni Luis.
"Hahabulin ko sana kayo nung time na umalis na kayo. I received a threat, there's a picture of us. Puro dugo 'yon, na alarma ako kaya hinabol ko kayo. And i think Trina saw me but someone kidnapped me, and after that i just woke up with plastic bag all over my face." Paliwanag ni Yuah.
"So, Trina was right. She saw you," bulong ni Kian.
"E, 'yung mapa na binigay mo, Yuah, sinandya mo ba talaga 'yon?" tanong ni Alex. Kanina pa siya tahimik at humahanap ng tamang oras para itanong ang bagay na isang araw pa niya gusto malaman.
"I had to do that. The caretaker called me two days ago, she tell me there's someone hiding here at the mansion. That's why I gave a wrong map to you..." mahina niyang sabi kay Alex. "Akala ko hindi kayo matutuloy dito at dederetso nalang kayo sa hotel... I'm sorry..." Umiiyak niya pang sagot.
Mabilis siyang yinakap ni Alex. Kahit ang iba ay nakiyakap rin. Si Mon naman ay panay sisi sa sarili dahil sa ginawang pansisi kay Yuah.
"Plinano nila lahat 'to."
"Inaatake na pala nila tayo ng hindi man lang natin nalalaman." Pekeng tumawa si Luis.
"It supposed to be a happy reunion, but it was ruined. Ruined by mistake..." ipinatong ni Yuri ang ulo sa tuhod.
Hindi sila sanay makita ang bawat isa na nanghihina, tama si Yuri dapat masaya ang araw nila dito.
"S-she's Aurora's sister. She's here to take a revenge," napakagat si PJ sa labi niya.
"Aurora? 'Yung nawawala last year?"
"Siya ba 'yung kapatid na napariwara? Kaya pala ang panget at baho ng hininga." Sabi ni Fourth habang nakahawak sa ilong.
Kahit papaano ay natawa sila dahil sa sinabi ni Fourth, kahit nasa panganib ay nagagawa pa rin nilang tumawa.
"Kailangan nating tumakas." Bulong ni Sue.
"Maraming bantay sa labas, makikita nila tayo."
"Look, all of them minding their own business."
Kanina pa pala nakasilip si Sue sa labas at humahanap ng tyempo para makatakas.
"Paano natin mabubuksan 'to?" turo ni Mon sa kawayang pinto na may kadenang nakatali.
"Sirain, of course. Think about it... this will be your last day, so, use your brain."
"Kung maka last day naman 'to." Napakamot ng batok si Mon bago hawakan ang kadena, gulat siyang natanggal bigla 'yon.
Sisigaw na sana ito pero tinakpan ni Luis ang bibig niya. Dahan-dahang binubuksan ni Fourth ang pintong kawayan, nang mabuksan ay doon sila nag-iingat na lumabas doon. Si Kian nalang ang nahuhuli, kukunin na sana siya ni Yuri pero tinabig nito ang kamay.
"Iwan niyo na ako dito."
"Are you insane? We need to f*cking escape right now," mahinang sigaw ni Yuri dito.
"Umalis na kayo, ako na ang bahala dito."
Lumapit si Yuah dito, "Kian, kailangan na nating tumakas. Halika na," pakikiusap nito.
"Aanhin ko pa ang buhay sa labas kung wala na si Trina ko." Nakangiting sambit ni Kian na hindi tumitingin sa mga kaibigan.
May luhang nagsitulo sa mata nila habang tinititigan ang kaibigang nahihirapan sa kalagayan niya.
"Please, hayaan niyo na ako. Umalis na kayo, basta pangako niyo sa 'king ligtas kayong makakaalis dito."
"Kian..." Bulong ni Bry.
"Nakatakas sila! Hoy!"
Naalarma sila ng marinig ang sigaw ng lalaki, napatingin sila kay Kian at pinilit pa pero ayaw niya talagang sumama. Palapit na ang mga nananakbo kaya hinila nila si Yuah na ayaw umalis sa harap ni Kian, mahal niya pa rin si Kian kahit alam niyang wala na siyang puwang sa puso ng binata.
Tumakbo na sila papalayo, sa may mapupuno sila dumaan dahil may mga nakabantay doon. Sabay silang napatigil nang may narinig silang sunod-sunod na putok ng bala, kita nila mula sa lilim kung paano barilin ng mga tauhan si Kian.
"Kian!"
Dahil sa sigaw ni Yuah natuntun sila ng mga lalaking bumaril kay Kian kaya nasitakbuhan na muli sila at doon na nagkahiwalay-hiwalay. Si Fourth ay hila-hila si Sue, si Yuri at Mon naman ay inaalalayan si Brandon. Si PJ, Yuah at Ros naman ay parehas ang direksyon na pinuntahan, si Luis ay hinila si Alex, samantalang si Bry ay mag-isang tumatakbo.
"Nawawala sila, Luis!"
Napatigil si Luis sa pagtatakbo at liningon ang mga kasama pero wala na sila sa likuran, yinakap niya ng mahigpit ni Alex ng marinig nanaman ang mga putok ng baril. Napaupo sila sa likod ng malaking puno ng may narinig silang yapak ng paa, sinilip ni Luis 'yon at nakita niyang tumatakbo si Bry tatawagin niya sana ito pero nakita niyang may humahabol sa kaniya, maraming tao 'yon.
"Habulin niyo 'yon! Huwag niyong hayaang makatakas sila! Dalian niyo!"
Nakilala nila ang boses na 'yon, ang kapatid ni Aurora na sinasabi ni PJ. Pinakiramdaman muna nila kung nakaalis na ba ito, sinilip ito ni Luis at nakitang wala na ang mga nananakbo.
"Wala na ba sila?" mahinang tanong ni Alex.
Nakayakap siya ngayon kay Luis, "Nandito pa sila." Pagsisinungaling nito at yinakap pa ng mas mahigpit si Alex.
Gusto ni Luis ang posisyon na ito, pero alam niyang nasa gitna pa sila ng kapahamakan. Matagal niya ng gusto si Alex, pero natutupi ang dila niya sa tuwing sinusubukan niyang umamin dito. Gagawin niya lahat para kay Alex, maski buhay niya itataya niya para sa kaniya.
"Sue, kumalma ka. Dito tayo magtago."
Sinunod ni Sue si Fourth at nagtago, nanginginig na ito sa takot.
"Fourth... Natatakot ako..."
Hinawakan ni Fourth ang mukha ng babaeng matagal niya ng inaasam.
"Nandito lang ako. Hindi kita iiwan."
"Papaano kung dito na ako mamatay? Paano kung hindi na tayo makakalabas?"
"Makakalabas pa tayo dito. Lahat tayo..."
Napaluha si Sue, "Fourth..."
Yinakap ni Fourth si Sue para patahanin ito. Ayaw niyang makitang ganito si Sue, mas sanay siyang nakikitang masungit ito at pinagmamalditahan siya. Sa ganoong paraan niya minahal ang dalaga, kahit sa huling pagkakataon ayaw niyang makita itong pinanghihinaan ng loob.
"Sweet naman."
Agad naglayo ang dalawa ng marinig ang boses ng lalaking may hawak na malaking itak, napaatras sila.
"Manong, maawa ka... Kahit girlfriend ko nalang pakawalan niyo, ako nalang ang patayin niyo..."
Hinaharang ni Fourth ang katawan niya kay Sue.
"Sumusunod lang ako sa utos mga bata." Sagot ng manong na lumalakad papalapit.
"S-sue, tumakbo ka na..." Bulong ni Fourth.
Napailing si Sue, ayaw niyang iwan si Fourth.
"Please, tumakbo ka na..."
Masakit mang iwan si Fourth pero wala siyang nagawa kundi sundin ang utos ng minamahal niya. Bago man makatakbo ay may binulong siya kay Fourth na ikinangiti nito bago tumarak ang itak sa dibdib niya, dumiin 'yon sa puso niya at rinig kung paano napunit ang balat niya.
Duguang napabagsak si Fourth sa sahig at tinignan si Sue na tumatakbo na papalayo, alam niyang sa oras na pipikit siya ay hindi na niya masisilayan pa si Sue. Kahit sa kabilang buhay babaunin niya ang sinabi ni Sue.
"Minahal na kita bago mo pa ako mahalin."
BINABASA MO ANG
Escape
Mystery / ThrillerMasaya kaming lahat, halos walang mali sa ginagawa namin. Sa sobrang saya namin hindi agad namin namalayan na nakatali na pala ang buhay namin sa bahay na iyon. Hinding-hindi na kami makakalabas... kung pwede man, kailangan namin tumakbo para habuli...