12: Somewhere Safe

10 5 0
                                    

12

Somewhere safe


Nagising ako mula sa malamig na hanging dumadampi sa aking balat. Parang may humahaplos sa akin. Pakiramdam ko nasa malabot na bagay ako nakahiga.

Paano naging malambot ang kinahihigaan ko, e, sa pagkakaalala ko sa matigas at maruming sahig ako bumagsak.

Mabilis ako napabangon. Nasa isang pamilyar na kwarto ako. Papaano ako napadpad dito?

"Alex, gising ka na pala. Tulog mantika ka!" Napatingin ako kay Kian na tumatawa.

Muli kong inalala kung nasaang kwarto ako. Kay Sue 'to!

"Anong nangyari?" tanong ko at tumayo.

Taka siyang napatingin. "Adik ka ba? Or adik ka lang talaga." Pinagmasdan ko si Kian na malakas na tumatawa.

"Inaasar mo nanaman ba si Alex, Kian?"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita mula sa labas. Patakbo akong pumunta sa pinto at sumilip, si Yuah!

"Yuah..."

Bumaling ang tingin niya sa akin at matamis na ngumiti. Tumakbo ako palabas para silipin ang iba at nakita ko ngang kumpleto ang mga kaibigan ko sa sala. Ni isang sugat ay wala akong nakita sa katawan nila.

Nagtatawanan, nag-aasaran at nag-iingay. Totoo ba 'to? Nananaginip lang ba talaga ako nung nandoon kami sa bahay nila Yuah sa Baguio?

Tumulo ang mainit kong luha. Patakbo kong lumapit kay Trina at yinakap. Buhay na buhay siya.

"Why so being clingy, Alex? Layo niyo nga 'yan." Nandidiri niyang sabi pero kalaunan ay hinaplos rin ang buhok ko.

Sunod akong yumakap kay Kian na nagtatakang nakatingin sa akin. Halos lahat sila ay yinakap ko. Parang hindi ako nananaginip. Ramdam na ramdam ko sila. Lungkot akong napasulyap kay Luis na nakatayo sa tabi, nakangiti habang nakapamulsa ang mga kamay sa pantalon.

"I guess, you had a bad dreams again..." sabi ni Yuri.

"Anong napanaginipan mo, Alex? Ang weird mo ngayon." Sunod si Fourth.

"Para wala kang bad dreams dapat nagdadasal ka," payo naman ni Mon.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinagmamasdan ang mga mukha nilang nag-aalala. Si Bry ay sumusulyap lang pero ramdam ko rin pag-aalala niya.

Yinakap ko ang sarili ko at doon na umiyak ng tuluyan. Itong pangyayari na 'to ay hindi ko magawang matanggap. Pinaghampas-hampas ko ang aking dibdib, kulang nalang ay magwala na ako. Wala akong pake kung nasa harap man ako ng kaibigan ko, ang bigat ng pakiramdam ko.

"May problema ba bunso namin?" Nag-angat ako ng tingin kay Luis.

"Kawawa naman baby girl namin." Sabi ni Ros.

"Si Kian talaga may kasalanan." Asar ni Brandon.

"Bakit ako? Ginising ko lang naman siya!"

"Sapakin ko kaya kayo." Saway ni PJ at lumapit. "Gusto mo kumain muna? Gagawan kita breakfa–"

Mabilis ko siyang pinigilan.

"A-ako nalang. Birthday mo pa naman." Pilit ngiti kong sabi.

"Naalala mong birthday ko ngayon?" Gulat niyang tanong at natawa bigla, "kadalasan kase naaalala mo lang birthday namin kapag tapos na." Sabi niya na ikinatawa ng iba.

"Sinasadya ni Alex 'yan para hindi tayo regaluhan!" Sigaw ni Mon.

"H-hindi..." bulong ko.

Totoo naman na hindi ko nakakalimutan ang kaarawan ng mga kaibigan ko, nalilito lang talaga ako sa kanila. Kahit sino ay malilito kapag nagkaroon ka ng kaibigan na sobrang dami. Kahit marami sila ay masaya ako, sobrang saya kong makilala sila.

Ayokong mawala ang mga kaibigan ko.

Bago ako lumakad papasok sa kusina ay pinagmasdan ko muli sila.

Si Fourth na nag se-set up ng karaoke, si Brandon na kumakain ng tinapay, si Sue na inaasar ni Mon, si PJ at Luis na nakangiti sa akin, si Ros at Bry na may sarili nanamang mundo, si Trina na tinatalian si Yuah ng buhok, at si Kian na kinukuha ang camera ni Yuri.

Nawala ang puno ng ingay nang tumalikod ako. Umiyak ako nang umiyak, hinang-hina na rin ang katawan ko at napaupo sa lapag. Hindi ko na maramdaman ang ingay ng mga kaibigan ko. Ilinabas ko ang sakit, pagod, at lungkot na nararamdaman ko.

Ang pangyayari na 'to ay naganap na tatlong taon na ang nakakalipas. Kaarawan ni PJ 'yon. Matagal nang tapos ang araw na 'to. Sobrang tagal na...

Muli akong tumayo at humarap sa sala. Nakaupo silang lahat sa sofa at seryosong nakatingin sa'kin. Puro puti ang suot nila.

"Gising na, Alex."

Napatingin ako kay Mon. Sa kaniya galing ang boses na 'yon pero hindi ko nakitang bumuka ang bibig niya.

"Bangon na..."

Lalapit sana ako sa kanila pero may kamay na humila sa paa ko papuntang ibaba. Akala ko lupa ang babagsakan ko pero tubig ang naramdaman ko. Pilit na linulubog ako sa pinaka ilalim na parte. Tumingin ako sa taas, may liwanag mula doon.

Sinubukan kong iangat ang katawan ko mula sa tubig pero walang epekto 'yon. Lumulubog na ang katawan ko at bumabagal na rin ang paghinga ko. Dumudilim ang bawat paligid. Nakakamatay.

Akala ko ay katapusan ko na.

Napasinghap ako at napatayo sa kinahihigaan. Basang-basa ang katawan ko. Sinubukan kong umubo pero walang lumalabas na tubig. Hinahabol ang bawat paghinga. Gulat akong makitang wala ako sa tubig, panaginip lang ba 'yon?

Tinignan ko ang paligid, hindi ito ang kinabagsakan ng katawan ko bago ako managinip. May tumtulong butil ng tubig sa katawan ko. Umulan pala.

Pagkatayo ko ay may nakapa akong kwintas sa leeg ko. Nang makita ko ay sa itong rosaryo, kilala ko ang may-ari nito!

"Naks, may pa rosaryo ang tropa." Asar ni Brandon kay Mon.

"Syempre."

"Bagong buhay na ba?"

"Tanga. Gago ako pero syempre hindi mawawala 'yung pananalig ko sa diyos." Nakangiti niyang sabi at hinawak-hawakan 'yon. "Bigay ni Mama sa akin 'to bago siya mawala," bulong niya.

"Matutuwa ang Mama mo, Mon. Sobrang bait mo pa naman," masaya kong sabi sa kaibigan

"Akala niyo ba ako lang may ganito? Teka," may kinuha siyang supot sa bag niya at linabas iyon. "Mga bobo kayo, manalig rin kayo!"

Inabot niya sa amin ang iba't-ibang kulay ng rosaryo. Natuwa akong makitang kulay asul ang ibinigay niya sa akin, paborito kong kulay ito.

"Hindi ako katoliko, tanga!" Sigaw ni Fourth.

Sinamaan siya ng tingin ni Mon, "subukan mong isauli 'yan, papakulam kita." Seryoso niyang sabi bago bumaling na nakangiti sa akin. "Nagustuhan mo ba, Alex?"

Tumango-tango ako. Nasiyahan siya at sunod na tumingin kay Brandon, nakatulala lang kase ito sa rosaryo. "Keep that, my budd. Magkakabalikan kayo ni Ara niyan," pilyo niyang sabi. Masama tuloy ang tingin nito sa kaniya.

"Thank you, Mon. Ito na ata ang pinakamagandang regalo na nakuha ko!" Masayang sabi ni PJ.

"Welcome, Milady." Yumuko pa ito sa amin, "by the way, one thousand five hundre-"

Mabilis kaming napahiyaw. Sinasabi ko na nga bang walang libre pagdating sa isang 'to!

Si Mon ang nagmamay-ari nito. Galing ba siya dito kanina? Siya ba ang naglipat sa akin dito? Nasaan na siya?

"Mon..." Bulong kong tawag.

Napahawak ako sa tenga nang marinig ang malakas na kulog. Hindi na maganda ang kulay ng langit. Mabilis na akong tumayo pero hindi sa akin nakatakas ang paa na tumama sa mukha ko pagkatayo.

Nang makita ko kung saan galing 'yon ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Sumabay ang mga luha ko sa sa ulan na lumalagas sa mukha ko.

"Bakit... Mon, bakit?!" Sigaw ko habang tinatanaw si Mon na nakabitin sa sanga ng puno. Wala nang buhay.

Bakit pati ikaw iiwan rin ako?

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon