15: Pretty Soul

13 4 0
                                    

15

Pretty Soul


Malamig ang haplos ng hangin dahil na rin sa lakas ng ulan na ibinuhos kanina ng langit. Nananatili pa rin ang dilim sa ulap mukhang hindi pa tapos ibuhos ang lahat ng bigat na nararamdaman.

Kung anong nararamdaman ng taas ay parehas rin sa akin. Nandito pa rin ang bigat sa pakiramdam at wala na ring luha pa ang gustong bumagsak. Ubos na ubos na ang luha ko.

Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa tinataguan ko. Parang ayaw na gumalaw ng katawan ko. Nandito ako ngayon sa pwesto ko at nanatiling nakatingin sa dalawang wala kong buhay na kaibigan. Kakaalis lang ng mga armado na akala mo ay walang ginawang masama at walang pinatay.

"Ros..."

Teka, kay Bry ba ang boses na iyon?

Naningkit ang mata ko para maaninag kung sa kaniya ba talaga galing iyon. Nakita kong gumalaw ang isang kamay ni Bry na may sugat at hinaplos ang buhok ni Ros.

"It's not your fault, mahal..."

Boses ni Ros 'yon! Buhay pa sila?!

Bumaba ako sa puno at lalapit na sana sa kanila pero may isang kamay ang humawak sa akin. Gulat akong makita ng lingunin ko kung sino 'yon.

"Yuri..."

Walang galos ang mukha niya. Parang nagdaan siya sa magandang kalagayan. Hindi katulad ko na sobrang dumi at dami ng putik.

Seryosong bumaling ang tingin niya kay Bry at Ros. Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ni Yuri sa nasaksihan. Hindi ko maiwasang mapayakap kay Yuri.

Hindi ko man nakikita ang emosyon sa mukha niya, ramdam ko ang sakit sa nakita niya. Malapit siyang kaibigan ng dalawa.

Hinahaplos ni Bry ang buhok ni Ros habang si Ros ay hawak-hawak ang kamay ni Bry.

"Mahal na mahal kita..."

Tuluyan ng pumikit si Ros at kasabay naman ng pagtigil ng paghaplos ni Bry. Tuluyan na silang sumuko.

"Yuri, wala na sila..."

Akala ko wala ng luha pang bubuhos. Isinandal ni Yuri ang ulo ko sa dibdib niya at hinaplos ang likod ko para patahanin sa pag-iyak.

"Let's get out of this hell."

"Papaano?" nagugulhan kong tanong.

Bakas sa boses niya na seryoso siya sa sinabi niya. Bumaba ang tingin niya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Pinaparamdam niya sa pagtitig niya na tapos na ang lahat, magiging ayos na ang lahat.

"I called for help earlier when I found the way out. They are coming too so we have to get out of here."

Kaya ba wala siyang kasugat-sugat kase nahanap niya na ang daan palabas dito? Hindi na ako magtataka kung bakit mabilis siyang nakaalis dito. Matalino si Yuri. Masaya akong malaman na buhay pa siya.

"A-ang mga katawan nila..."

Hinalikan niya ang noo ko at hinawakan na ang kamay ko.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon