6
Memories That Can't Be Buried
One year ago...
"Walang pool dito?"
"Kanal, meron. Gusto mo swimming ka tapos lunurin kita?"
"Yuah! Si Kian, oh!"
Natawa nang napailing si Yuah dahil panay ang pang-aasar ni Kian kay Trina habang siya ay abala sa pag-aayos ng gamit niya.
Si Fourth naman ay pinagsisilbihan si Sue, hindi malaman ni Sue kung anong pumasok sa isip ng binata para tulungan siya nito.
"Ganda moves, Fourth, ah?!" sigaw ni Luis dito.
"Inggit ka lang!" Pabalik na sigaw ni Fourth.
Masaya sila ngayong naghahanda, birthday ni Brandon kaya naisipan nilang mag camping tulad ng nakasanayan nila taon-taon. Ayaw sana ni Brandon kase may plano na daw siya pero mapilit ang mga kaibigan kaya pumayag na lang rin siya.
Nasa Cavite sila ngayon, kung saan nakatayo ang lumang town house ng magulang ni PJ.
"Nakita mo ba si Bry, Yuri?" tanong ni Alex kay Yuri na abala sa hawak nitong camera.
Nagkibit balikat lang ito, pagkaalis ni Alex ay ibinalik niya ang tingin sa larawang kinuha niya. Si Bry at Ros na magkahawak ang kamay, matagal niya nang napapansin na may relasyon ang dalawa pero itinitikom niya na lang ang bibig.
Mula sa nagtatasaang puno at maraming halamang nakapaligid, nandoon si Bry at Ros na abala sa paghahalikan. Bumababa ang halik ni Ros sa leeg niya kaya tinulak siya bigla ni Bry.
"What?"
"Mamaya may makakita sa 'tin."
"Ano naman kung makita nila?" sabay ngisi nito. Hinapit nito ang bewang palapit sa kaniya.
Nagbaba ng tingin si Bry, agad namang inangat ni Ros ang mukha niya.
"Pwede naman nating sabihin na lang sa kanila."
"Pero..."
Hindi natuloy ang sasabihin ni Bry ng kargahin siya ni Ros at dinala sa kubo na walang katao-tao, doon nagsimulang mag sarili ng dalawa. Ihiniga siya Ros sa ibabaw ng lamesa at doon nag-umpisa ipagkaisa ang init na nararamdaman.
Umabot sila ng ilang minuto bago bumalik sa mga kaibigan nilang nagtatayo na ng bonfire, alas-kuwatro pa lang ng hapon pero excited na agad silang mag tayo nito.
"Saan kayo galing dalawa?" tanong ni Mon sa dalawa.
"Naghanap ng signal." Sagot ni Ros.
"Bakit wala bang signal dito?" dinukot ni Trina ang cellphone para tignan kung wala bang signal pero nang makita niya ay meron naman.
At isa pa, hindi naman sila nalalayo sa syudad para mawalan agad ng signal.
"Kanina, wala." Maikling sagot ni Bry bago lumapit kay Fourth at tinulungan ito sa paghahanda ng mga pagkain.
Lumapit sa kaniya si Brandon na may hawak na tinapay, bumubungisngis pa ito bago harapin si Bry.
"Bry!"
"Ano?"
"Kain ka muna, oh!" Inabot niya ang tinapay kay Bry.
Saktong gutom na rin siya kaya tinanggap niya iyon at kinagatan, nakakalahati niya na ang tinapay ng may napansin siyang malapot na nakakagat sa loob. Idinura niya iyon at kita niyang kulay green ang laway niya, sinilip niya ang tinapay. Laking gulat niya nang makitang inuuod na pala ang tinapay na 'yon, mabilis niyang itinapon 'yon at naghahanap nang masusukahan.
BINABASA MO ANG
Escape
Mystery / ThrillerMasaya kaming lahat, halos walang mali sa ginagawa namin. Sa sobrang saya namin hindi agad namin namalayan na nakatali na pala ang buhay namin sa bahay na iyon. Hinding-hindi na kami makakalabas... kung pwede man, kailangan namin tumakbo para habuli...
