4
Twelve Minus One
Napabalikwas si Alex sa kaniyang kinahihigahan, hingal na hingal siya dahil sa masamang panaginip na dumalaw. Tinignan niya ang relo, alas-tres pa lang ng madaling araw, napahinga siya ng malalim at inisa-isa ng tingin ang mga kasama. Wala nanaman sa tabi niya si Bry, wala na siyang balak hanapin pa ang kaibigan dahil alam niya na kung nasaan ito.
Napag-isipan niya na lang lumabas sa kwarto para kumuha ng maiinom sa baba pero pagkalabas niya ay bumungad sa kaniya si Mon, Luis at Brandon na nakatingin sa dulong hagdan papuntang taas. Nagtataka siyang napatingin rin doon, isang kalabog ang narinig niya mula sa taas.
"Ang wild naman ni Pareng Kian."
"Tanga! May lagnat si Trina, hindi niya gagawin 'yung kabalastugang naiisip mo."
"Ingay niyo, mamaya may makarinig sa 'tin dito."
Hindi nila alam na nasa likod nila si Alex kaya laking gulat nila nang humarap sila dito, daig pa nakakita ng multo.
"Gago naman, Alex! Muntik na kitang masapak!" Sigaw ni Mon habang nakahawak sa dibdib.
"Babaan mo boses mo!" Malakas siyang binatukan ni Brandon sa ulo.
"Bakit gising ka pa?" tanong naman ni Luis.
"Iinom sana ako tubig. E, kayo? Bakit nasa labas pa kayo?"
"Hahanapin sana namin si Ros. Tulog pa 'yung tatlo?" si Luis ang sumagot na may kasunod na tanong.
Sasagot na sana si Alex pero naalala niyang wala si Bry at malamang kasama ngayon ni Ros.
"O-oo, tulog na sil–"
Napatigil sila at napatingin sa kabilang hagdan, paakyat si Ros habang hawak ang kamay ni Bry, hindi 'yon nakatakas sa mata nila. Mabilis lumayo si Bry dito, at naiilang lumapit sa mga kaibigan.
"Bakit nasa labas pa kayo?" Tanong ni Ros pagkalapit.
Hindi sila nakapag-salita ng may malakas na kalabog nanaman galing taas, nagtaka naman ang dalawang bagong dating. Lumapit si Alex kay Bry at humawak sa braso nito.
"May kanina pang kumakalabog sa taas. Aakyatin naming tatlo," sagot ni Brandon.
"Bakit kasama ako?" Mabilis na napalayo si Mon dito.
"Bakla ka ba? Ginising mo ko kanina kaya samahan mo ako!"
"Tara na!" Humarap si Luis kay Ros, "Samahan mo muna sila."
Napatango nalang si Ros at ginayak ang dalawang babae sa kanilang kwarto, sa isip ni Bry ay may nasasabi na ang mga kaibigan nila sa kaniya.
Nakaakyat na ang tatlo, tumambad sa kanila ang maraming kwarto. Nagtataka sila dahil sabi ni Alex dalawa lang ang kwarto sa third floor, dumeretso sila sa dulo dahil may ilaw galing doon.
"Mauna ka!" Tinulak ni Brandon si Mon.
"Bakit ako nanaman?!"
"Boy scout ka nung elementary, 'di ba?"
"Ikaw na! Pangarap mo maging pulis tapos duwag ka?!"
"Joke lang 'yon!"
Malakas na binatukan ni Luis ang dalawa at mauna nang pinasok ang kwarto, bumungad sa kanila si Kian na nasa sahig at walang malay, may mga sariwang pasa ito sa mukha.
"Pare! Kian! Anong nangyari sa'yo?!" Yinuyugyog ni Luis ang walang malay na kaibigan.
"O-obvious ba? M-malamang nabugbog." Hirap na sagot ni Kian.

BINABASA MO ANG
Escape
Mystery / ThrillerMasaya kaming lahat, halos walang mali sa ginagawa namin. Sa sobrang saya namin hindi agad namin namalayan na nakatali na pala ang buhay namin sa bahay na iyon. Hinding-hindi na kami makakalabas... kung pwede man, kailangan namin tumakbo para habuli...