Tenth Trial

478 16 6
                                    

BRYSON 10

J U N I O R H I G H S C H O O L 

G R A D E 9

"Taena mo kasi, Candace! Late na tayo eh!" Macey held Candace's arms as they run towards the quadrangle. Today is their recognition day for being a grade 8 honor student in their class, and they're running late because she and Macey experimented some make ups so they would look presentable on the recognition day, but they're both unlucky because they both don't know how to put any make up, and ended up washing their faces, and just put some lip tint and powder because they're already running late.

"Ba't ako?" she asked.

"Sabi mo marunong ka!" Macey whined.

"I did say I know how to try, not I know how to put some." Sagot niya. Nagkalat ang ibang parents sa quadrangle. Ang iba ay busy mag-picture taking kasama ang mga anak nila, habang ang iba ay mukhang nagpapahangin sa mapunong paligid ng quadrangle at hindi pa pumapasok sa loob ng gymnasium kung saan gaganapin ang recognition.

It means that the recognition hasn't started yet, and we're not late.

Sa isiping 'yon ay binagalan niya ang lakad niya. Bukod sa tamad siyang maglakad nang mabilis dahil nakakahingal, baka imbis na sa stage ang bagsak ng bestfriend niya at sabitan ng medal ay sa clinic ito mapunta, at imbis na medal ang maisuot ay oxygen mask.

"Hindi pa tayo late." Aniya.

Macey pouted, and they just walked until they reached the gymnasium. Maalinsangan sa loob dahil marami-rami na 'rin ang tao. All junior high school and senior high school level, including the graduates are here to received their medals. Kaagad nilang hinanap ang assigned seats nila, and to her luck, magkatabi sila ni Macey, pero may hinahanap pa 'rin ang paningin niya.

"Uy, si Arrow ayun!" Macey pointed as soon as they're seated. Para itong bulateng inasinan sa sobrang likot. Macey was very different from the Macey she met when they were just five. Macey back when they were kids is very shy, and silent. Nahawa na lang siguro ito sa kadaldalan at kalokohan ni Bryson. Well, Arrow is a very collected and disciplined man.

In short, hindi bida-bida katulad ni Bryson.

Nang tumingin siya sa direksyon ni Arrow ay napansin niya kaagad ang pamilyar na babae sa likod nito. Kadar row kasi ay ibang grade level, at ang nasa likod ni Arrow ay ang mga grade 10 honors.

Maxine...

She scoffed and tried to look for Bryson na kaagad naman niyang nakita na nag-seset-up sa likod sa stage kasama ang dalawang emcee. May hawak itong papel na mukhang nag-uusap sila tungkol doon. Bryson pointed something in their direction, and their eyes unexpectedly met. Kaagad itong kumaway sa kaniya. Tinignan niya lang ito, samantalang si Macey ay kumaway pabalik kahit hindi naman ito ang kinawayan ni Bryson. Kaagad din siyang nakarinig ng tilian sa likod niya.

Pareho silang napalingon ni Macey. Macey looked at them with disgusted face, while she just looked blankly at them as if nothing interests her. Tumahimik ang nasa likod nila at tahimik na napayuko.

After a few minutes, the opening remarks has started. Nagbigay ng speech ang principal at ilang faculty members bago nagsimula ang pagsasabit ng mga medals. Mayroong mgabest in research, best in physical education at kung ano-ano pa. They also awarded the varities, at kasama na 'ron si Arrow bilang champion ng division competition. Macey was screaming for Arrow along with Arrow's fan girls when someone sat beside her.

"Tangina, mas marami ng fangirl si Pana sa akin ah. Mamaya 'yan sa akin." Ngisi ni Bryson sabay akbay sa upuan niya. Sa kabilang kamay nito ay hawak ang panyo na ipinapamunas ng pawis. Ang coat nito ay kanina na nakasampay sa upuan habang busy ito sa officer duties nito. Iniwan na ito ni Bryson tutal magkakatabi naman sila.

The Unseen Trial [Ace Lucifer's Series Three] ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon