PRESENT TIME
"Umuwi ka muna, ako na ang bahala rito." Bryson's eyes opened immediately when he heard Macey's voice. Kapapasok lang nito dala-dala ang mga groceries. Hindi nagtagal ang tingin niya kay Macey, at kaagad na lumipat ang tingin niya sa natutulog na si Candace.
Like the usual, she's still sleeping, and nothing changed. She's still unresponsive, and even up until now, he doesn't want to accept it, like what the people around them did... that Candace fell into coma. Ang benda sa mga mata nito ay nakatanggal na. Candace purely looks like she's just peacefully sleeping...for months.
It's been months since the accident, and it's already months too since Candace officially fell into coma... and no certainty of she would even wake up.
Months since they left...
At kahit pare-pareho ang kaibigan ni Macey at Candace na puro doctor, and even they know the real condition of Candace because of the accident, none of them even considered giving up on their friend. Ang dahilan nila, doctor sila. May pera. May oras... kailangan ilaan ang lahat, at walang kahit anong katanggap-tanggap na dahilan para sukuan ang kaibigan.
Candace never asked for their help. She never cried for help. Palagi, si Candace ang nag-aabot ng tulong kahit hindi sila humingi. Kahit wala itong emosyon, kahit walang habas magsalita, at mapang-lait...in a blink of an eye, Candace will always be there for them.
Ngayon lang...
At kahit sa pagkakataon na ito, Candace needs help, but not in a way that she will be asking for help. Ngayon niya pinaka-kailangan ng tulong, pero sa kundisyon pa na hindi pa rin ito makakahingi o makapag-sabi. Like it was a natural thing for Candace, unconscious or not, that no matter what, she should not ask for help.
But they had enough this time... at alam 'din nilang huli na. Nahuli na sila.
Still, they will not give up on her.
Kung hindi na kaya ni Candace, sila namang nasa paligid ang lalaban para sa kaniya.
"Si Arrow?" tanong niya.
"Mahuhuli pa si Arrow dahil nagluto pa, at may kakausapin siya sa para sa bahay na tutuluyan natin. Hindi pa kasi nakakahanap ng maayos na lugar e..."
"I could..." hindi niya itinuloy ang sasabihin. Since they left, they've been off-grid. Si Arrow ang kumokontrol ng lahat ng koneksyon nila sa labas. He knows that he's just protecting them, and hiding them away from the chaos they left in the city. Masyado nang magulo, at hindi na healthy para sa kanila.
They need to freshen up their minds, and think. Clearly, with no worries. Think with rationality and justice.
At kung gagamitin niya ang koneksyon niya para magpatulong kay Zane, o sa mga kaibigan niya, tiyak ay hindi lilipas ang isang araw at baka may dumating na rito. Kalaban man, o kakampi.
Macey just smiled before sitting on a small sofa. Si Arrow ang nag-aasikaso ng pagkain nila, habang nag-sstay sa hotel. Hindi pa sila makapag-hanap ng maayos na bahay kung saan sila mananatili pansamantala dahil sa mga plano nila. Ang hospital naman kung nasaan naka-confine si Candace ay ayaw silang tanggapin 'nong una.
Tinanggap lang dahil sa malaking bayad na ibinigay niya, at ang koneksyon na ibinigay ni Macey sa hospital nang walang bayad, gayon pa man, bawal ang magluto, at walang VIP room. Ang pinaka-maayos na private room na nakuha nila ay maliit pa rin, at limitado ang kilos.
"Talaga bang gusto mong dumito muna?" tanong niya kay Macey.
Napakagat sa labi ni Macey. Kahit hindi siya sumagot at alam niya ang gusto nito, kahit pa nakita niya ang eksena ni Jaxon sa airport noong umalis sila.
BINABASA MO ANG
The Unseen Trial [Ace Lucifer's Series Three] ON GOING
General FictionNot every trials can be seen. Not every hardships is being noticed. Sometimes, there is always an Unseen Trial that no one notices.