Forty Fourth Trial

381 10 2
                                    

trigger warning: self-harm/suicide


PRESENT TIME: 


"Paulit-ulit ko kayong tinatanggap, bakit... ako, ni minsan, hindi niyo magawang tanggapin?" Candace continued telling what's inside of her. Si Macey ay tahimik na umiiyak sa tabi niya, but him and Arrow remained silent, looking at the three with clenched fist.

They know that they shouldn't be here, that they should leave but they can't. They also need to hear it. Sila ang pinaka-malapit kay Candace pero sa lahat ng sinabi nito, ngayon lang nila nalaman. Nahalata man, napansin pero hindi buong pinagtuonan ng pansin.

Candace did put a successful façade that none of them even notice how hard it was for her to carry those baggages on her back, alone and silently.

"Alam niyo ba..." halos maging bulong na ang mga salita nito. Parang nahihiya... siguro dahil matagal na naitago, at hindi sanay na sinasabi ang mga bagay-bagay kung kanino, lalo na sa pinaglalaanan niya.

"Ang hirap... ang hirap mag-aral. Ang hirap maging top student, hindi man top 1 noong bata ako, elementary, high school... mahirap... kailangan kong makipag-laban sa mga bully na pinagt-tripan 'yong mukha ko dahil bato raw ako, robot, estatwa kasi walang emosyon, walang pakiramdam. Parang binuhay lang ako nang naka-tingin... pero kinaya ko. Nilabanan ko... mommy daddy..."

Candace head titled, as if searching for her parents as if she wants to see them. She wants them to see the pain in her eyes.

It's just that...it's unfair. It's so unfair that they can see Candace hurting like this, the pain they caused her, but she can't see how hurt they are now. How guilty they are at themselves... to even at least, make it up for Candace pain. Na kahit papaano manlang, maibsan ang sakit na nararamdaman ni Candace kung sakaling nakikita sila nito... na may balik 'din sa kanila ang lahat ng ginawa nila.

"Inisip ko... ah, baka kapag mataas ang grades ko, uuwi si mommy at daddy... pag mataas ang grades ko, uuwi sila, makukumpleto kami... magkakaroon sila ng dahilan para uwian ako...para kahit papaano manlang, pag gumising ako sa umaga, hindi ko man magisnan sa kama, nasa kusina, kasabay mag-almusal...ganoon man lang... pero tangina. Kung sinong available na teacher o kaya si Bryson ang nagsabit ng medal sa akin kasi kahit gusto kong sabihin sa inyo, hindi kayo uuwi, at i-message ko man, para lang akong nakipag-usap sa hangin..."

"Candace, anak... p-patawarin mo kami... p-please... I'm sorry, Candace...I'm so sorry..." Halos mapahagulgol na si Tita Candrix but Candace didn't even budge, not even a little bit.

"N-nong... naka-recover ako sa nangyari sa akin 'nung nakidnap ako, muntik na akong mahuli sa admissions exam... pero pinilit kong makapasok kasi kapag hindi...hindi ako makakapag-aral. Hindi ako magiging architect, hindi ako makakapag-trabaho. Wala akong perang malaki... Inisip ko, kailangan kong nagtrabaho kasi baka hindi sapat 'yong mataas ang grades ko, baka kailangan ko ng pera dahil nag-kalabuan ang mga magulang ko dahil workaholic ang daddy ko. Pag kumikita na ako ng malaki, uuwi na siya...babalik na siya samin...mabubuo na kami ulit..."

Bryson's clenched fist. Wala ni isang nagsalita sa paligid. All of them just...listened.

"Sinubukan kong gawin lahat nang mag-isa kasi... baka kapag humingi ako ng tulong, baka kapag...nagpatulong ako...kapag inalalayan ako, baka may mapagod, at manawa sa akin. Hindi ko na ginawa kasi baka mabawasan 'yong mga taong nanatili sa tabi ko. Ayos na 'yon...kaya ko naman... kinakaya ko..."

"P-pero hindi e... mommy, pwede mo naman akong isama sa boutique mo kung naghiwalay na kayo ni daddy...n-nag-e-exist pa naman ako. Sasama naman ako kasi...ayokong mag-isa. Daddy... p-pwede mo naman akong isama... h-hindi naman ako... maarte e..."

The Unseen Trial [Ace Lucifer's Series Three] ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon