Twenty Eighth Trial

373 7 4
                                    

BRYSON 28

SENIOR HIGH SCHOOL GRADE 11

Days after new year, Candace was, say, excited to come to school. ZNL university doesn't baby their student that much, at kahit may salad hangover pa ang mga estudyante ay binuksan na kaagad ang klase matapos ang tatlong araw ng new year. Unlike other students, Candace was more than willing to come to school despite of holiday break hangover. Wala siyang pake dahil wala naman siyang gano'n sa tanang buhay niya.

And like she used to every year, Candace was always excited. For a student who always wanted to be away from home to escape from the reality she's in, Candace always found school as an escape. Truth to be told. Siguro kung walang pasok ay hindi talaga siya papasok dahil tamad siya, pero kung may pagkakataon na pwede, at tatanggapin siya sa loob ng eskwelahan ay gagawin niya.

Candace pressed the doorbell on Macey's house. Sarado ang gate, at nang tignan niya 'rin ang bahay nila Arrow ay wala 'rin ito. Buong bakasyong walang paramdam ang dalawa samantalang tumatawag ang mga ito tuwing birthday niya, at sa mismong araw ng pasko at bagong taon... at kinabukasan ay uuwi na dahil alam ang lagay niya,

Candace tip toed at the top of Macey's gate but it seems like the house is still empty. With no choice left, she walked away, and went to school alone. Wala pang tawag si Bryson sa kaniya matapos ang birthday niya, and she's also not sure if he would come today. Kapag kasi after ng holiday ay madalas itong late, siguro ay dahil kasama naman niya si Macey, o busy lang talaga. Hindi siya sigurado.

Nang makarating siya sa ZNL ay wala pa halos pumasok. Halos hindi pa sila mangalahati. Hindi 'rin nakatakas sa paningin niya ang mga ka-klase niyang mayroong bagong bag, bagong rebond, bagong kulay ang buhok. May bagong gupit pa. at halos iwagayway na ang bagong cellphone na natanggap.

Napailing na lang siya at tahimik na inilabas ang cellphone niya. Actually, bago 'rin ang phone niya pero hindi niya binili 'nong pasko. Katulad iyon ng phone na halos iwagayway ng classmate niya, but unlike her classmate, ang kaniya ay pinagsasawaan na niyang gamitin.

"Wala pa si Diane?" narinig niya ang classmate niya. Wala silang teacher dahil kahit ang teacher nila ay hindi 'rin pumasok. They're almost up for lunch, at isa pa langa ng pumapasok, at nakipag-kwentuhan lang naman sa kanila. Makes sense since wala nga naman halos pumasok at sayang sa oras kung magtuturo pa ang teacher nila.

"Wala te, eh. Hindi nga 'rin nagpaparamdam nitong mga nakaraan...Bakit kaya?"

"Hmmm...baka busy lang sa family?"

"Wala 'ring post ang family nila e..."

Nanatili ang tingin ni Candace sa phone. Walang pumasin kay Candace. Her emotionless face was enough to push people away from her, in a safe distance, so no one would bother her like how it should be. Tahimik lang siya sa upuan niya, at nasa katabing upuan ang bag, at sa kabila ay ang coat niya.

When lunch came, she grabbed her things with her. Walang chat sa gc nilang apat kaya paniguradong siya lang ang pumasok sa kanila, at kahit si Arrow ay hindi. She went to the cafeteria to grab some lunch, and by she meant lunch, it was, of course, Takoyaki. Kilala na siya ng nagtitinda, at alam na 'rin nito na cheese flavor ang gusto niya.

"Ilan beh?" tanong ng tindera. Iyon lang ang tanong. Ang bilang ng binibili niya ay ayos sa oras, at depende sa gutom niya kung sakali man.

"Tatlo po." Sagot niya at naglapag ng bayad. Bagong refill ang bank account niya pareho mula sa mommy at daddy niya na walang paramdam ng bagong taon. Mukhang sa ibang bahay nag-bagong taon, o hindi siya sigurado kung sa bahay nila. Hindi naman kasi siya lumabas, at tanging nanatili sa veranda ng bahay nila.

The Unseen Trial [Ace Lucifer's Series Three] ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon