A/N: I just want to thank does who helped me na iplug yung story ko, Kenji and Kino. I owe you both a lot! Oh, and before I forgot, yung mga dati kong reader, be noted na I changed Andrei and Andrea's surname to Rivera. Yun lang, enjoy reading!!
'Andrei Rivera created a group chat.'
'Andrei Rivera named the group Oplan paiyakin si Nero sa birthday n'ya.'
Cassandra Tenorio: Paiyakin? Si Nero? Yeah, and pigs can fly.
Andrei Rivera: Bugbugin lang 'yon, iyak agad 'yon.
Rex Katipunan: Tanga, bago mo pa mabugbog 'yon nakalibing ka na.
Kakatapos lang tumawag ni Nero sa kaniya nang matanggap ni Ignis ang mga mensaheng ito.
Kumunot naman ang noo niya dahil walang sinabi sa kaniya si Nero tungkol dito. 'Birthday ni Nero? When?' After typing it, he clicked the send button.
Cristy Alon: November 11.
Tinignan niya kung anong date ngayon pagkatapos mabasa ito.
Ignis Romero: Sa isang araw na 'yon 'di ba? Anong plano?
Nixx Flores: First, we need to find a way kung paano mapapaalis si Nero sa condo n'ya.
Cassandra Tenorio: What if magpahelp tayo kay Ate Caeli?
Andrei Rivera: Pwede rin.
Another chat head appeared on their screen. It was their other group chat.
Nero Vasquez: @Drei lang tanga @kib san kayo? Tara grind, mage-end season na ang weak n'yo pa rin.
Andrei Rivera: Puta, sino nanaman nagbago ng nickname ko?
Rex Katipunan: Mamaya na, Nero. Nagpaplano pa kami.
They all face palmed.
Nero Vasquez: Nagpaplano? Para saan?
Andrei Rivera: Nagpaplano para sa burol ni Rex.
'Andrei Rivera removed Rex Katipunan from the group.'
Nero Vasquez: Ha? Ano nga'ng meron? Anong sinasabi ni Rex?
Andrei Rivera: 'Yon ba? Wala, 'wag mo na 'yon pansinin. Hindi yata nakainom ng gamot n'ya. Mamaya na tayo mag-grind, tol. Aalis kami, eh.
'Yun lang at lumipat na sila ulit sa kabilang group chat nang magchat si Rex.
Rex Katipunan: Ba't ako niremove? Pabibo ka Andrei, 'no?
Andrei Rivera: Eh, ikaw? Patanga ka, 'no? Surprise nga gagawin natin tapos sasabihin mo lang din?
Tinatawanan lamang nila ang dalawa at walang balak awatin. Ngunit baka wala silang mabuong plano kung patuloy lang na magsasagutan ang dalawa. Buti na lang ay inawat na ito ni Christy.
Christy Alon: Tumigil na nga kayo. Magpa-plano ba o mag-aaway na lang kayong dalawa? Sabihin n'yo lang, madali kaming kausap.
Bahagyang nagulat ang lahat maliban lang kay Ignis dahil hindi na ito ang unang pagkakataon na makita o marinig ang ganitong ugali ni Christy.
Ignis Romero: Let's start the plan. First, sino ba ang pinaka-close kay Ate Caeli?
Cassandra Tenorio: Me, I'm the one who will talk to her na lang.
Ignis Romero: Okay. Now, for the things that we will need to use for the party.
Nixx Flores: Ambagan, then kami ni Christy ang bibili.
BINABASA MO ANG
Falling Unexpectedly (Ongoing)
RomanceThe feeling of having someone with whom you can share everything. Your giggles, sobs, and other childish antics. He who saw you take your first step, say your first word, smile for the first time... But then, he slipped in your arms. And returning t...