Ignis' POV
Nakatayo ako ngayon dito sa labas ng canteen at nag-iisip ng mga pwedeng dahilan kung bakit sila gumawa ng ganoong rule, at naputol lang nang tawagin ako ni Nero.
"Hoy, Ignis! Ginagawa mo r'yan? 'Di ka ba bibili?"
"Hindi. Masyadong maraming tao." Naiinip kong sagot.
"Bakit ka pa pumunta dito kung hindi ka naman pala bibili?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"Sino bang tanga ang nanghila sa'kin papunta dito?" I'm starting to get irritated.
"Wow, ha! Buti nga niligtas pa kita dun sa dalawang malalandi na 'yun, e!" Ani Nero.
"Bahala ka riyan! Mauuna na ako sa room!" Pagkasabi ko no'n ay naglakad na ako palayo sa canteen papunta sa room.
"Tandaan mo 'yong sinabi ko sa'yo, ha! 'Wag na 'wag kang makikipag-usap d'on sa dalawang 'yon! Baka bukas mabalitaan ko na lang na jowa mo na ang isa d'on!" Pahabol na sigaw ni Nero.
I looked back at him and showed him my middle finger na tinawanan lamang niya. Paglingon ko pabalik sa dadaanan ko ay may nabangga ako. I was about to say sorry to him when he spoke.
"Aba, aba! Kilalanin mo kung sinong binangga mo." sabi ng lalaking pandak na semi-kalbo na nasa unahan ng dalawa pa niyang kasama.
I smirked. "Siguraduhin mo munang nag-aaral ka nang mabuti bago magyabang, ha? Because first of all, it's nabangga. Not binangga. 'Yon na lang hindi mo pa alam ang pinagkaiba? And what did you say? Kilalanin ka? Kahit anak ka pa ng presidente ng kahit anong bansa, I don't give a fuck about your identity."
"Bagong salta siguro 'to, 'no? Englishero pa, oh." Ani ng isa sa mga kasama niya.
"Englishero nga ba, o englishera?" Nagtawanan silang tatlo.
Pinagkrus ko ang aking mga braso. "Toxic masculinity is in the air, am I right?"
"Ha? Tokshit mas— ano raw?"
"Hindi ko rin alam p're." Bulungan ng dalawang kasama nito ngunit sapat na para marinig ko.
"Psh, patapon na mga ugali, pati ba naman mga utak." I was supposed to walk pass them but the guy that seems to be their leader, grabbed my arm and made me face them again.
"Muk'ang may ibubuga ka, ah? Tignan lang natin." He grabbed my collar and was about to punch me but he stilled when he heard a voice coming from my back.
"Subukan mo lang, kahit isang dampi lang n'yang marumi mong kamao sa isang 'yan, hindi lang isang kamao ang babalik sa'yo." Kalmadong banta ni Nero.
Binitiwan niya ako at halata ang takot sa mukha ng tatlo habang umaatras sila.
"Hindi pa ako tapos sa'yo!" Pahabol na sigaw nung mukang leader nila.
Iniharap ako ni Nero sa kaniya at sinuri ang katawan ko. "Ayos ka lang? Nasaktan ka ba? May ginawa ba sila sa'yo? Ano ba kasing ginawa mo at nagalit 'yon?" Sunod-sunod na tanong niya sa'kin.
I pushed him a bit away from me because I can feel my heart beating so fast. Hindi ko alam pero parang naiilang ako kapag masyado siyang malapit sa akin.
"Calm down, Nero. Masyado kang nag-aalala sa'kin e." Natatawang ani ko.
"How can I fucking calm down, huh?! Do you know those guys?! Do you know what those motherfuckers can do to you?!" Galit na tanong niya.
That made me a bit nervous. "S-sino ba 'yon sila?"
"Mga balik-aral 'yon sila. They're all in a legal age. Dapat ay mga college na ang mga 'yon. Eh, kaso mga gago. Ayon, hindi maka-graduate ng highschool." si Andrei ang sumagot sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
Falling Unexpectedly (Ongoing)
RomanceThe feeling of having someone with whom you can share everything. Your giggles, sobs, and other childish antics. He who saw you take your first step, say your first word, smile for the first time... But then, he slipped in your arms. And returning t...