Chapter 9

107 6 2
                                    

Ignis' POV

"Kuya Ramil, may bago pong makikisabay sa amin. Okay lang po?" Dinig kong tanong ni Andrei sa tricycle driver.

"Oo naman! The more the merrier!" Nakangiting sagot ni Kuya Ramil.

"Yown! Dabes ka talaga, Kuya Ramil!" Sigaw ni Andrei.

Sumakay na silang lima sa loob ng tricycle. Oo lima! Si Nixx at si Christy ang naka-upo sa pandalawahang upuan habang nakakandong si Cass kay Nixx. Si Rex naman ang nasa maliit na upuan at si Andrei naman ang naka-upo sa sahig. Kaming dalawa naman ni Nero ang nasa backride. Kahit maingay itong tricycle, mukha pa naman itong bago. Buti na lang, dahil kung hindi ay baka hindi kami maka-usad.

I can hear them talking but I can't quite understand them. Ito namang si Kuya Ramil ay may kung anu-anong sinasabi sa'kin, 'di ko naman maintindihan. Kaya ang sagot ko na lang lagi ay "Oo nga po hehe." Ito namang isang katabi ko ay tahimik lang. I looked at him and laughed when I saw his head bumped on the roof of the tricycle.

"What are you laughing at---aray!" I laughed when his head bumped on the roof again.

"That's what I'm laughing at." Natatawang sabi ko.

"Tss, ikaw kaya rito? Mas maliit ka sa'kin kaya ikaw ang dapat na nandito!" Reklamo niya.

"Is it my fault that you're taller than me?" Tanong ko sa kanya.

"Did I blame you?" He asked me back.

"Sungit."

"Ngayon lang dahil badtrip ako 'di gaya mo na araw-araw masungit." Aniya na halata sa mukha ang pagka-badtrip.

I scoffed. "Yeah, right."

After that, we went silent again but I can still hear his head bumping on the roof. And I had enough of it. I reached for the other side of his head guiding him to lean on my shoulder. Ramdam ko na hindi niya masyadong pinapatong ang ulo niya sa balikat ko dahil siguro akala niya ay magagalit ako kapag nabigatan ako.

"Just relax, stupid. Mas mahihirapan ka nyan."

And that's what he did, he relaxed his body and let his head lean on my shoulder. We stayed like that on the whole ride.

Unang bumaba sina Andrei at Rex na nasa iisang subdivision at magkalapit lang ang bahay. Sumunod naman ay sina Cass at Nixx na magkatapat ang bahay na nasa iisa ring subdivision na katabi ng kina Andrei at Rex. At iisa lang ang napansin ko sa mga bahay nila. Lahat ito ay magagandang bahay. Hindi masyadong maliit, hindi rin gaanong malaki maliban kay Cass dahil malaki talaga ang bahay nila.

'Mayayaman pala 'to sila, e. Bakit kaya sa public school pa sila nag-aaral?' tanong ko sa isip ko.

Lumipat na kami ni Nero sa loob para hindi na kami mahirapan. Syempre ay inunahan ko siya doon sa upuan na katabi ni Christy para doon siya umupo sa maliit.

"Ang daya mo! Dapat ako riyan, eh. Ako na nga 'yung nahirapan doon sa likod." Pagrereklamo ni Nero.

"Akala mo ba ikaw lang ang nahirapan do'n? Ang bigat mo kaya!" Pagrereklamo ko rin.

"Sino ba'ng nagsabi na pasandalin mo 'ko, ha?"

I rolled my eyes at him and looked at Christy that was just sitting quietly beside me while scrolling through her phone.

"May IG ka?" tanong ko kay Christy.

Tumango ito. "Oo. Ikaw ba?"

"Yeah."

"Anong username mo?" Tanong niya maya-maya.

"@i.lewis" sagot ko.

"Okay, wait lang." nagpupumindot siya sa phone niya at biglang tumunog ang phone ko.

Falling Unexpectedly (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon