Chapter 20

63 2 0
                                    

"WE NEED two representatives for the upcoming music festival in our school." Anunsyo ng kanilang guro dalawang linggo bago ang nasabing event na magaganap sa school.

"Nagkaroon ng meeting kanina at doon napag-usapan na kada-grade level ay may kaniya-kaniyang tema para sa music contest. Ang napunta para sa grade nine ay 'love between two men'. Since kasabay na naman ng music festival ang ating Valentine's program, kinonekta na nila ito sa isa't isa."

Rinig ang bungisngis ng ilang kalalakihan sa likod. "Love between two men, ma'am? Haha bading!"

Pa-irap na ibinaling ng guro ang kanyang mga mata sa nagsalita. "Kina-cool mo ba 'yan?"

Napatigil ito at ang kanyang mga kasama sa pagbungisngis.

"Hindi namin kailangan ng walang kwentang opinyon, Mr. Siwad. Hindi rin namin kailangan ng homophobic na nilalang dito." Seryosong dagdag nito na may matalim na tingin.

Napayuko na lang ito at hindi na naka-imik muli dahil sa pagkapahiya, kaya nagpatuloy nang muli ang kanilang guro. "So, balik tayo sa event. May gusto bang mag-volunteer para lumahok sa singing contest?"

Nagkatinginan ang mga ito lalo na ang mga kalalakihan dahil sa kanila manggagaling ang mga lalahok.

Habang nililibot ng kanilang guro ang kanyang mga mata para kilatisin isa isa ang mga ito, may nahagip ang kaniyang mga mata. Si Nero at Ignis na pawang may sariling mundo na nagtatawanan habang may naka-plug na earphones sa tag-isang tainga.

"Nero at Ignis!" Tawag nito sa dalawa ngunit hindi narinig ng mga ito at patuloy sa pag-uusap at pagtawa.

Tuloy ay tiningnan na rin sila ng iba pa nilang kaklase. Ngunit kahit ang mga tingin ng mga ito ay hindi pa rin nagawang maputok ang pawang bula na nagsisilbing harang sa mundo ng dalawa.

Kung hindi pa tinapik ni Nixx ang armchair nila, hindi pa malalaman ng mga ito ang nangyayari.

"Duet pa!" Napalakas ang pagkakasabi nito ni Nixx kaya nadinig din ng kanilang guro.

"Magaling ba sila, Nixx?"

"Opo, ma'am. Kaya hindi po namin magawang sawayin, e. Masarap po sa tenga." She giggled.

Napangiti ang kanilang guro. "Kung ganoon ay kayo ang magrerepresinta ng ating section."

"Po? Para saan po, Ma'am?" Takang tanong ni Ignis. Nakakunot na rin ang noo ni Nero dahil hindi rin nito alam ang sinasabi ng kanilang guro.

"Oh, tignan niyo. Halatang mga hindi nakikinig." Bumuntong-hininga ito at ipinaliwanag ulit ang tungkol sa event.

"Po?! Singing contest?!" Nagproprotesta na agad ang boses ni Nero.

"Ma'am, hindi ko po kayang humarap sa madaming tao!" Ani Ignis.

"Ako rin po! And besides, I'm not that good." Ani naman ni Nero.

Hindi naman naniwala ang kanilang guro sa sinabi ni Nero na hindi raw siya kagalingan. Kaya nag-isip ito ng paraan para makumbinsi ang dalawa.

"May kulang kang project sa'kin diba, Ignis?" Tinaas-baba ng kanilang guro ang kanyang kilay sa kanya.

Ignis face palmed because he already knew where this is going to lead him.

Natawa naman si Mrs. Daniva sa reaksyon nito. "Kung papayag ka ay iyon na ang magiging substitute para sa project mo."

He had to do it since malaking hatak ang project na ito sa grades niya. He turned to Nero and gave him a begging puppy look.

Nero saw in his peripheral vision that Ignis turned to him, that's why he stopped himself from looking back to Ignis. He knew that he would just be soft for him and can't do a damn thing to reject him.

Falling Unexpectedly (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon