Chapter 39

57 4 1
                                    

"Hello, mahal..."

Bungad ni Nero sa'kin nang sagutin nito ang tawag.

For months that he had been courting me, I got used to his endearments. I concluded that he calls me mahal or love on normal days, babe whenever he's turned on, baby when he wants to be baby-ed, and the other ones are just on random moments.

"What time break niyo?" I asked while preparing my plates.

Wala kaming pasok at magpapasa lang ng plates. Buti na lang natapos ko kaagad 'yon at walang cramming na naganap.

"Baka mga 12 po. May isa pa kaming subject 'pag tapos nito."

So he's in the middle of a class? Kaya pala may naririnig rin akong mga boses. Ang lalaking 'to talaga.

"You shouldn't have answered my call, Tubig. Nasa klase ka pa pala!"

I heard him giggle. "Nasa likod naman ako kaya hindi pansin. Besides, ikaw naman ang tumatawag. It's worth taking the risk to be caught."

"So cheesy." I laughed. "Bye na. Focus on your studies, okay?"

"I think I would, thanks to you. Bye-bye, mahal!" He said with his cute bye-bye tone.

I chuckled before ending the call. That's when I noticed Lenlen's message in Instagram.

rienolen: bib magpapasa ka ba? daanan mo na lang me here sa haus hehe

i.lewis: oki omw

After hitting send, I went out of my room and made sure na walang naiwang nakasaksak at sarado ang pinto sa balcony at mga bintana. Andrei had classes so there would be no one left in the unit.

Nang masiguro kong ayos na ay lumabas na ako sa unit, bitbit ang plates ko at tinungo ang carpark.

Walking distance lang ang layo ng bahay nila Lenlen sa campus. Tinatamad lang siguro 'yon maglakad.

"Grabeng cramming ang ginawa ko kagabi aba." 'Yon agad ang bungad niya nang makasakay sa kotse.

Tinawanan ko siya. "Sabi naman kasi sa'yo, simulan mo nang maaga. Puro ka bukas, ayan inabot ka nang kinabukasan deadline."

When Lenlen fastened her seatbelt, I went back to the road and drove our way to the campus.

"May pupuntahan ka pa ba pagtapos mo magpasa?" Tanong niya nang makapasok kami sa entrance.

"Meron, bakit? Papahatid ka? I can drop you off naman."

May nakasalubong pa kaming ibang students at hindi na ako nagtaka nang malaman kong kakilala ni Lenlen ang mga ito.

Tumabi ulit siya sa'kin pagkatapos nilang mag-usap. "Pupunta kasi ako sa RIS, naisip ko lang na baka gusto mong sumama."

"Sakto. Doon din daretso ko pagtapos."

May kinawayan pa siya na nakasalubong rin namin bago muling humarap sa'kin. "Sabay na ako, ha! Thanks, bebe Lew!"

"No problem, social butterfly." I teased.

She smiled sweetly at me. "Kung hindi lang sana ako sasabay sa'yo mamaya, sinakal na kita."

She hates it when I call her that way, eh totoo naman.

Hindi ko alam kung anong oras na kami nakapagpasa ni Lenlen dahil kada hakbang yata namin, may nakakasalubong kaming kilala niya. Patigil-tigil tuloy kami.

"Sure win ka talaga 'pag tumakbo ka sa student council." Sabi ko sa kaniya paglabas namin ng room

"Tigilan mo nga ako, Lewis!" Hahampasin niya sana ako pero mabilis naman akong nakailag at lumayo sa kaniya.

Falling Unexpectedly (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon