"Can you come up with another plan? A better one, please."
Binalik ni Andrei ang folder pagkatapos niyang basahin nang maigi ito. Tumango naman ang head ng finance at lumabas ng office.
"You're too kind." I stood up from the couch and approached him.
"What do you want me to say? Ang pangit ng gawa mo, ulitin mo 'yan! Bakit puro mali 'yan?! Gano'n ba, ha?" He startled me at his sudden shout.
"Gagi, kalma... Joke lang, e."
He rolled his eyes at me. "I just hired you and I can easily fire you, Ignis. Go on and test my patience."
I smiled teasingly at him. "Talaga ba? Kaya mo?"
Hindi niya ako pinansin at binasa na lang ang isang folder na nando'n. Ayan, ang galing mangbugnot, bugnutin din naman.
"Parang gusto ko ng Iced Americano at lasagna." Pagpaparinig ko.
"Gusto mo?" He looked up at me kaya sunod-sunod akong tumango. "Bumili ka."
Napasimangot tuloy ako. "Damot! Kala mo naman malulugi–"
"Oo na, tara na. Ang ingay." Tumayo siya mula sa swivel chair at dire-diretsong lumabas sa office.
Galit sa maingay pero maingay rin naman siya. Baliw.
Sumunod na ako sa kaniya at nang makita kong pasara na ang elevator, dali-dali akong tumakbo para makaabot. Si Andrei na kupal naman, tinatawanan lang ako habang nakasandal siya sa pader.
Buti na lang at nakaabot pa ako. Medyo hingal nga lang. Kung hindi lang libre 'to hindi ako magpapakapagod nang ganito. Teka... May sinabi ba siyang libre? Gagi, na-scam ba ako?
Umayos ako ng tayo, medyo hinihingal pa rin. "Libre ba?"
"Oo," Aba, buti naman! Dapat lang at— "Libre mo."
"Kung sadya ko kayang paguhuin 'yung next project natin?" Banta ko sa kaniya.
He scoffed. "Try mo. Tignan natin kung hindi ka magsisi."
I just groaned and waited for the elevator to reach the ground floor. Sabay kaming lumabas at naglakad papunta sa café ni Andrei. Malapit lang naman 'yon.
Nang makarating doon ay umorder agad ako ng lasagna at Iced Americano, while he got blueberry cheesecake frappe. Hindi ba siya nauumay ro'n?
We talked about work mostly while we were eating. Nalaman ko ring balak na niyang ipasa ang posisyon niya kay Andrea. He already has a lot on his plate.
"Kumusta 'yung artista mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Sino sa kanila?" Tanong niya pabalik.
Natawa ako. "Wow, may options. Sana all."
"Pinakawalan mo tapos magsa-sana all ka riyan," Tinutok niya ang tinidor sa akin. "Tanga."
"Nagsalita ang hindi pinakawalan ang pinakamamahal." Pang-aasar ko.
"I had my reasons." He looked away while sipping in his drink.
"Nado," I looked outside the glass wall. "I love my Dad more than him."
"Yeah, yeah. And the Daddy's boy award goes to you." Pang-aasar pa niya.
Nang matapos na kaming kumain ay naghintay ako ng bill pero walang dumating. Lilibre rin naman pala ako, pabebe pa, e.
"Mag-take out kaya ako?" I was just trying to tease him.
"H'wag ka ngang abusado! Just prepare for the meeting," He stood up and I followed. "I have a surprise for you."
BINABASA MO ANG
Falling Unexpectedly (Ongoing)
RomansaThe feeling of having someone with whom you can share everything. Your giggles, sobs, and other childish antics. He who saw you take your first step, say your first word, smile for the first time... But then, he slipped in your arms. And returning t...