"NEXT section, Sagittarius."
Dumating na ang araw ng audition at naroon sila sa music room. Isa-isa nang pinag-audition ang mga estudyante mula sa grade nine.
Kinakabahan sila Nero at Ignis dahil maraming magagaling ang sumali. Ngunit sa mukha ng mga hurado ay parang hindi nasisiyahan ang iba sa mga ito. Mukhang nakukulangan sa performance ng iba.
Sila ang huling mag-au-audition kaya naman lalong kinakabahan ang dalawa kapag may magagaling na naririnig at napapanood.
"You seem tensed." Pansin ni Nero kay Ignis na animo'y hindi rin kita sa mukha niya ang kaba.
Ignis looked at Nero's forehead and scoffed. "Says the one who's already sweating."
Kinuha ni Nero ang kanyang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang noo. Pupunasan din sana niya ang ilang butil ng pawis na namumuo sa noo ni Ignis na dahil na rin siguro sa pinaghalong kaba at init na nararamdaman. Dalawa lang kasi ang electricfan sa loob ng music room. Isa sa mga hurado at isa sa mga auditionee ngunit hindi naman sila masyadong hagip.
Umilag pa si Ignis nang punasan ni Nero ang noo nito.
"Arte mo naman." Anito at ibinalik na sa bulsa niya ang panyo.
"You just used that to wipe your sweat, Tubig."
They were both whispering sa takot na rin sigurong mapagalitan sila at maapektuhan pa ang score nila.
"Mabango pa rin ako kahit pawisan, Apoy. In fact, my sweat can be used to make a perfume." He joked.
Ignis chuckled. "Yeah? Then call it what? Pawis ni Sebastian?"
"Grabe naman sa Sebastian, baka gawin nilang holy water 'yon."
"Holy water pero galing sa pawis ng demonyo?"
Sasagutin pa sana ni Nero ito pero narinig na nilang tinawag ang section nila, nagpapahayag na sila na ang sasabak sa audition.
Lahat ng inensayo nila ay kakatwang nagawa nila nang maayos. Lahat ng nota ay natamaan at ang pag-arte ay tiyak na nakaramdam ng kilig ang nanood.
Para nga silang nasa musical play sa performance nila. At mukhang iyon ang kanina pang inaasam ng mga hurado dahil sa pagkakataon na iyon lamang tumayo ang mga ito pagkatapos nilang mag-perform.
Napansin din ni Nero at Ignis na kulang sa koneksyon ang halos lahat ng nag-perform bago sila. Kumakanta lang ang mga ito ngunit walang mararamdamang spark sa mag-partner.
Kaliwa't kanan ang palakpakan at ang iba pang nanonood ay tumitili dahil sa kilig. Mabuti nga ay pinayagan manood ang ibang estudyante kahit na may klase ang mga ito.
Nangibabaw ang sigaw nina Rex at Andrei na may hawak pa na banner. Ang dalawang abno, mukhang nag-cutting nanaman.
"Bestfriends namin 'yan! Woo!" Sigaw ni Andrei habang sinusuntok ang kamao sa ere.
"Go, Nero! Go, Ignis!" Rex cheered for them.
"...Go sexy sexy love!" Nakisabay ang ibang nakapamilyar sa ichi-ni-cheer nito.
Tumawa sila Ignis at Nero saka sumabay na bumaba sa maliit na entabladong pinasadya para sa audition.
"Pwede na muna kayong bumalik sa kanya-kanyang mga classrooms at hintayin na lamang ang ipapaskil mamaya sa stage. Doon ninyo makikita kung sino ang pasok para sa singing contest." Anunsyo ng host.
Sabay-sabay na bumalik ang apat sa silid. Nang makarating sa pinto ng likod na bahagi ng kanilang room ay gumapang sila Andrei at Rex para hindi makita ng guro nilang nasa harapan. Ito pa naman ang terror teacher nila, kaya hindi pinayagan manood ang mga ito. Pinigilan pa nila Nero at Ignis ang tumawa para hindi makahalata ang kanilang guro.
BINABASA MO ANG
Falling Unexpectedly (Ongoing)
RomanceThe feeling of having someone with whom you can share everything. Your giggles, sobs, and other childish antics. He who saw you take your first step, say your first word, smile for the first time... But then, he slipped in your arms. And returning t...